Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2021-07-31
Words:
5,274
Chapters:
1/1
Comments:
8
Kudos:
119
Bookmarks:
25
Hits:
1,435

Just Friends (used to be)

Summary:

Nalaman ng lahat, including ang crush ni Donghyuck ang kanyang lihim na pagtingin sa kanya. And okay lang naman, wala na siya magagawa. Nangyari na eh.

Kaso feeling ni Donghyuck na-friendzone siya nito after siya sabihan na makinig to sa kantang titled “Just Friends.”

To save himself from the heartbreak (char), di na niya ‘to pinakinggan at nagbigay nalang ng big thumbs up sa kanya.

Okay lang naman siya haha, crush lang naman eh. Kung gusto nito na friends lang sila, edi sige! Madali naman siyang kausap.

Notes:

Hello! This is my first ever fic! >,<

Wrote this as a gift to my friends who believed in me and supported me when I said na magbabalik loob na ako sa pagsusulat. (Kahit fanfiction siya, grabe yung support nila sakin :”>)

Also wanted to give this as a gift to my new friendships I made at au twt!! You guys inspired me a lot and helped me push through with this one. [niyakap kayo ng mahigpit] Galing galing niyo! <33

Sana maenjoy niyo!! <333

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Kasalanan talaga ‘to ni Renjun. Isip isip ni Donghyuck habang naghuhugas ng kamay sa CR ng eskwelahan nila.

Aaaaaahhh nakakahiya ka talaga, Renjun! Binilisan nito ang pagkuskos ng sabon sa kanyang kamay, tila bang umaasa na masasama din sa paglilinis ng kanyang kamay ang pag alis din ng tirang kahihiyang nangyari sa kanya.  

Di kasi muna tumitingin sa paligid bago nagsasalita, ayan tuloy… Nagbuntong hininga nalang si Donghyuck matapos sa ginagawa at kumuha ng tissue paper para magpunas. 

Okay. Kaya niya ‘to. Wala lang yun sus, siya ba naman si Lee Donghyuck. Walang hiya hiya dito. I mean, so what naman kung malaman ng lahat yung matagal na niyang secret diba? It’s not like wala rin naman silang ganun. Tama! Oo, act normal lang Donghyuck. Hindi ka pinalaking ganyan ni Tito Joey! With a determine nod at isang malaking paghinga, lumabas na si Donghyuck sa kinatataguan para harapin ang realidad.

“Waaaaah bestie sorry” Salubong sa kanya ng kaibigan niya. Umirap ng pabiro si Donghyuck bago ngitian si Renjun. He bumped his shoulder to him to say na wala lang yun. “Ikaw kasi! Sabi ko talaga sayo yang bunganga mo magpapabagsak satin eh.” Dagdag niya sa kaibigan niya.

“Malay ko ba na nandun si Yangyang sa likod! Tsaka di naman sila super close ni Mark! May pag-asa pa tayo, friend. Malay mo, di naman niya sasabihin kay Mark na crush mo s-” Tinakpan ni Donghyuck bunganga ng kaibigan.

“Ayan ka nanaman!” Sabi nito habang tumitingin sa paligid.

“Tingin ka na nga muna kung may nakikinig bago ka magsalita” Inis na sabi nito pagkatapos niyang siguraduhin na oo, sila lang ang nandun sa area.

Nakahinga uli ng maluwag si Donghyuck hangga’t sa nakaramdam naman siya ng basa sa palad nito.

“Yuck!” Sabay alis ni Donghyuck yung hawak sa kaibigan. Dilaan ba naman ang kanyang kamay. “Gago ka! Kakahugas ko lang ng kamay!” Tumawa lang si Renjun at hinila ang kanyang kaibigan papunta sa classroom nila. “Tara na, magr-review pa tayo. Diba may quiz tayo sa Rizal?”

 


 

Kalat na nga yung sikreto niya, sure na siya don. 

Nung una, nananahimik lang si Donghyuck. Nagbabasa ng kanyang reviewer. Pero napansin nalang niya na parang may nakakaiba na na ganap after siyang tawagin ni Jaemin. Nginitian siya nito nang palaasar at may isinisenyas gamit ang kanyang mga kilay sa kanya.

Kumunot ang noo ni Donghyuck at binuka ang bunganga para tanungin kung ano yun.

Kaso mas lalo lang ginalaw ni Jaemin ang kanyang mga kilay at inangat ang kanyang kanang kamay para itabi sa labi nito, may binubulong siya sa kanya kaso di parin talaga siya naiintindihan ni Donghyuck.

Sa sobrang galaw ng kaibigan, pati na rin si Donghyuck ay di na napakali. “Ano ba yun?!” Sabi nito nang malakas.

“Sure ka na?” Pabalik na tanong nalang din ng kaibigan sa kanya gamit na ang boses nito. Nanghahamon eto, alam ni Donghyuck, pero di kasi niya talaga magets si Jaemin kaya pinush parin niyang tanungin “Ano nga kasi yon?” 

May tinignan muna si Jaemin sa likod ni Donghyuck bago tumingin pabalik sa kanya.

He wiggled his eyebrows again before he said “So Mark Lee?” Napahigop nalang si Donghyuck ng hangin nang wala sa oras at hinold eto ng ilang segundo.

Well, shit. Lumaki ang mga mata nito sa kaibigan niya.

Tumawa lang si Jaemin sa reaksyon na pinakita sa kanya. “So totoo nga!”

Napapikit nalang si Donghyuck at nagdasal na sana di narinig ng lahat ang pinagsasabi ng kaibigan niya, lalong lalo na po dun sa nakaupo sa likod niya. Kasi di siya sigurado kung anong gagawin niya pag narinig siya nito.

“Ano sakin?” at ayon na nga.  

Lumabas ng isang napakalakas na EHEM si Jaemin na sinundan naman ng mga iba pa nilang blockmates which shocked Donghyuck more.

Luh, nakisabay pa talaga yung iba nilang kaklase. Shet. Confirmed. Alam na nga nila.

Feeling ni Donghyuck namumula na siya sa init na nararamdaman niya sa mukha niya.

As a defense mechanism, binibigyan niya lang ng masamang tingin si Jaemin. Pero wala eh, mukhang natutuwa pa etong kaibigan niya sa pinaggagawa niya kasi wala man lang etong ibang ginawa kung hindi tumawa.

“Hoy, Donghyuck. Ano daw sa kanya!” Mas lalong pang-aasar lang nito sa kanya.

Sasapatusin ko na talaga ‘to, di nakukuha sa tingin!

Yumuko saglit si Donghyuck para hubarin ang kanyang sapatos. 

Nakita ni Jaemin yung binabalak niyang gawin at lumaki ang mga mata na ikinatuwa naman ni Donghyuck. Sisiguraduhin ko na nasa akin ang huling halakhak.

Inangat na ni Donghyuck ang hawak hawak niyang sapatos kaso napitigil siya saglit after niya makita si Jaemin.

Meron nanaman etong sinesenyas sa kanya. Inirapan niya lang eto at babatuhin na sana yung sapatos niya nang biglang may pumigil sa kanya.

“Wag. Di ka naman inaano eh” Sabi ni Mark sa kanya pagkalingon ni Donghyuck sakanya. Hawak niya ngayon yung kamay ni Donghyuck para pigilan ang balak niya sanang gawin sa kaibigan niya.

At nagsimula nanaman mga kaklase niya sa pag labas ng malakas na EHEM. 

“Makati lalamunan niyo?!” Sungit na patanong ni Donghyuck sa kanila

“Oo, bes. Biglang kumati eh. Nakakain ata ako ng matamis ehem” sagot ng isa niyang kaklase. 

Umirap lang si Donghyuck sa kanila, at dinidila dila ang loob ng kanyang pisngi. Pinapakalma ang sarili sa pinagaasta ng mga kaklase niya.

Kung di pa naman obvious, crush ni Donghyuck si Mark.

Oo na, delikado yan kasi barkada niya. 

Pag barkada, barkada lang. Walang talo-talo. Alam ko. Pero kasi, bestie. Have you seen Mark Lee?

Diba!

Pano ka namang hindi maghuhulog, ay este magkakacrush dun. Andun na ata ang lahat sa kanya.

Tanungin mo pa mga fangirl nito (oo may fangirl siya kasi duh, si Mark Lee to), parehas lang din sasabihin nila.

Mabait. Gwapo. Magaling sumayaw at kumanta (nagrarap pa!). Athletic din, team captain ba naman eto sa basketball team ng college nila. Tapos matalino pa! Running for cum laude. Lahat ng pinangarap ng nanay mo para sa kanyang anak ay nasa kanya na. Panong di ka magkakagusto sa kanya? Tao ka ba kung wala kang kahit konting pagtingin man lang sa kanya?

And besides, crush lang naman to. Paghahanga, wala naman masamang humanga sa kaibigan mo. Ikaw ba di nagka-attraction sa friend mo kahit slight? Weh?

“Hoy” Nagising si Donghyuck sa katotohanan nang biglang pinatong ni Mark ang kanyang kamay sa ulo nito. 

“Huh?” Mark just chuckled and leaned his head slightly to point at what Donghyuck’s holding.

Napakagat si Donghyuck sa babang labi niya at nagbuntong hininga bago niya ibinaba ang kanyang hawak hawak na sapatos sa sahig.

He felt Mark patted his head and said a small “Good boy” which made Donghyuck blush again.

Lumuhod paupo si Mark sa harapan niya at kinuha yung sapatos nito. After nito, ay may nginunguso si Mark sa kanya. 

Tumaas naman ang mga kilay ni Donghyuck dito at pinipigilan tumawa.

Ang cute cute kasi tignan ni Mark, nakanguso tapos nakaupo sa harapan niya.

Nakakagigil, sarap pisilin. O di kaya kagatin. Kung hindi lang siya kinakabahan ng sobra, baka nga siguro hinalikan na niya eto sa pisngi.

EHEM.

Nakita ni Donghyuck lumaki ang mga mata ng binatang nasa harapan niya at namula. Donghyuck’s eyes widened as well. Shet.

“Sinabi ko yun nang malakas no?” Tanong niya dito. 

Tumango lang si Mark sa kanya at tumingin sa baba. Mark cleared his throat before he grabbed Donghyuck’s leg by himself. 

“Anong-”

“Isusuot ko lang kasi yung sapatos mo, may kiss kiss ka pang nalalaman dyan” Sagot agad ni Mark sa kanya. 

Base naman sa tono niya, mukhang binibiruan lang din niya siya nito. Pero shet, kinilig po siya dun.

“Ayieeee” Sigaw ng mga kaklase nila sa kanila. Napatalon si Donghyuck sa upuan niya at tumingin sa mga kaklase niya.

Oo nga pala… hindi lang sila ang mga nandito, andito din pala mga kaklase nila. Mukha ngang pinapanood pa nila sila eh. And naconfirm nga nang nagsalita na ang iba sa kanila.

“Pakiss nga kuya Mark!”

“Maccoy, ako din pasuot ng sapatos sakin, ayan na hinubaran ko na”

“Kiss pala Donghyuck ha!”

“Cinderella ang peg mo ngayon hindi Snow White okay! Walang kiss na mangyayari!” 

Yung huli, siguradong kay Jaemin nanggaling yun kaya pinakyuhan niya lang eto kahit na pulang pula na talaga siya sa hiya gawa nang nangyayari sa kanya. 

Di na din siya makatingin ng maigi kay Mark gawa nang nahihiya na eto.

Kung hindi sa mga kaklase malalaman ni Mark ang lihim na pagtingin nito sa kanya, malamang siya na nagconfirm sa kanya nito ngayon base lang sa pagarte niya dito.

Bumalik na si Mark sa upuan niya sa bandang likuran nito pagkatapos isuot ang sapatos sa kanya, at di parin siya tinitignan ni Donghyuck.

Donghyuck cleared his throat and opened up a book to read (magtatago lang actually kasi alam niyang namumula parin mukha niya). God, save me please.

Sa pagtatago ng sarili and feelings niya, di niya napapansin na nakatingin pa din pala sa kanya si Mark at pinagmamasdan eto habang may maliit na ngiti na nasa labi.

Ngunit nawala din eto ng saglit kasi sinisiko na siya ng kaibigan niyang si Jungwoo sa kilig na naf-feel nito.

 


 

“Donghyuck!” Oh no, eto nananaman nga.

Napatigil si Donghyuck sa kanyang paglalakad papuntang library at lumunok muna nang maigi bago eto humarap sa tumawag sa kanya.

To say na di siya kinakabahan would be a lie, super kabadong kabado siya. 

Kanina pa niya eto iniiwasan, si Donghyuck kay Mark.

After sila idismiss ng kanilang prof sa Rizal, bilisang lumabas si Donghyuck sa classroom at tumakbo papunta kay Renjun na tahimik na nagr-review kasama si Jeno, inaantay na yung block naman nila ang papasukin sa loob.

“Oh? Bakit ganyan mukha mo? Mahirap yung quiz?” Tanong ng kaibigan niya sa kanya pag angat ng ulo galing sa reviewer.

Lumingon siya kay Jeno at tinanguan siya nito pabalik as a greeting.

Umiling iling naman si Donghyuck sa tanong at yayakapin na sana eto pero napatigil nang makita niya kung sino yung kinakausap ni Mark ngayong pagkalabas sa classroom na kablock din ni Renjun.

Yangyang. Shet.

“Hoy, Donghyuck?!” Tawag sa kanya ni Renjun after niya agad tumakbo paalis dito.

“San ka pupunta?”

“Sa library! Nakalimutan ko pala reviewer ko!” Palusot niya. Kailangan lang niya talaga muna lumayo kay Mark, wala na siyang mukhang maipapakita.

Siguradong sinabi na ‘to ni Yangyang sa kanya.

“Eh tapos na yung quiz niyo?” Wala nang nakuhang sagot si Renjun kasi malayo layo na yung kausap niya.

“Ano kayang nangyari dun?” Tanong nito sa sa sarili niya.

“Sundan mo na” Rinig ni Renjun bago dumaan si Mark sa harapan niya at tumakbo na din papunta sa kung saan pumunta yung kaibigan niya.

Renjun turned around to see kung saan nanggaling si Mark at napalunok when he found out that it was actually Yangyang. He was the one who pushed Mark na sundan kaibigan niya.

Donghyuck, either susuklaman mo ako o pasasalamatan sa mangyayari sayo. Good luck nalang.

And here we are now with Donghyuck, stuck na nakatayo kasi tinawag na siya ng crush niya, kinakabahan at naeexcite at the same time.

“Okay ka lang?” Matawang tanong ni Mark nang makalapit na eto sa kanya at nakita yung kalagayan ng nito. Mukha kasi etong nagpipigil ng tae.

Nakataas ang mga kilay ni Mark with that one sided smile na kinasusuklaman ni Donghyuck kasi potangina mo, Mark, napakagwapo mo. Sumasakit nanaman yung tyan ko sa mga ngiti mo.

“Hoy” May nakaramdam nanaman si Donghyuck na mabigat sa ulo niya. He blinked and looked up to see na yung kamay lang pala eto ni Mark. Pinatong nanaman sa ulo niya. 

Sinundan niya ng tingin yung braso nito bago tignan si Mark sa kanyang mata and once they made eye contact, ngumiti eto sa kanya nang malawak.

“huli ka” pabirong sabi nito. 

Nakaramdam si Donghyuck ng parang umiinit nanaman ang mukha niya kaya umiwas agad siya ng tingin kay Mark.

He shrugged Mark’s hand off his head and cleared his throat. Juskolord, ang bakla bakla ko nanaman. 

“Kailangan mo, panget?” Sabi nalang nito sa kanya as an attempt to save himself from the blush he had na sure ay nakita ni Mark.

Hay nako.. Donghyuck, umayos ka nga. Kung hindi si Yangyang magbubuking ng pagtingin mo dito, ikaw talaga kasi napakaobvious mo! Kanina ka pa talaga.

Umakbay sa kanya si Mark at nagsimula na siyang maglakad papuntang library. Napalakad na din si Donghyuck kasama nito.

“Sure kang panget ako?” Mapangasar na tanong nito sa kanya after taking 3 steps.

Gusto ni Donghyuck tumigil saglit para makapag-isip ng sasabihin, Joke lang yun syempre. Patay na patay ako sa’yo eh. Kaso may pahabol na sinabi si Mark.

“Pulang pula nga mukha mo sakin oh” pagtutuloy na pagasar sa kanya. Inabot ni Mark kamay niya sa pisngi ni Donghyuck at pinisil eto.

“Cute mo” Donghyuck felt alarms going off inside his head. Ano daw sabi nito sa kanya? Cute?

“Oo. Cute” 

Lumaki mga mata ni Donghyuck at nilingunan si Mark. Nakangisi na ‘to sa kanya which confirms Donghyuck that, oo nga. Nasabi nanaman niya eto ng malakas.

“Mukha mo!” Sigaw ni Donghyuck at inaalis ang pagakbay ni Mark sa kanya. Napakalapit na ay.

“Crush mo?” Tanong nito sa kanya.

Tumawa nang malakas si Mark nang nabilaukan si Donghyuck at tinulak na siya palayo. 

Walk out sana si Donghyuck kaso hinabol pa din ‘to ni Mark.

Donghyuck internally groaned and okay, siguro kinikilig na nga siya kahit na inaasar asar lang siya nito. Kung patulan ko na kaya ‘to, joke lang!

“Ano nga kasi kailangan mo?” Tanong nalang ni Donghyuck kay Mark na may iritang tono, though alam naman ng dalawa na pakitang inis lang din niya ‘to.

“Ikaw” Simula nanaman ni Mark

“Hay ewan ko sa’yo Marcus Lee, di na ako natutuwa”

Tumawa uli si Mark, but he cleared his throat at nagsalita uli after tignan si Donghyuck sa mata. 

Nagbigay siya ng matamis tamis na ngiti at nagsabi ng “Seryoso nga! Kailangan kita.” 

And maybe Donghyuck’s heart leaped a little sa sinabi niya. Maybe! Wag kang assumero, bakla ka talaga. Malay mo kung san lang naman.

Donghyuck sighed and crossed his arms.

“Hay nako, sige na nga. Saan ba yan?” Tanong nito sa kaibigan niya.

Mas lalong lumawak ang ngiti ng crush niya at nakaramdam bigla si Donghyuck na parang may mabigat sa dibdib niya. Parang di siya makahinga ng maayos. Yung tipong he took my breath away eme. Mukhang malala na ‘to. 

“Totoo ba?” Simula ni Mark sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso ni Donghyuck. Kinakabahan siya. Di siya sigurado kung magugustuhan niya yung gustong ipahiwatig ni Mark sa kanya.

“Ang alin?” Tanong niya dito.

“Na crush mo daw ako?”

At tuluyan na ngang nagwala mga kabayo sa loob niya. Hahaha Renjun, humanda ka talaga at yang bunganga mong di napipigilan.

Tumikhim muna si Donghyuck bago nagsalita, “pag oo? Ano gagawin mo?”

“Tanong ko muna sagutin mo bago ko sagutin yan” Mark smirked and crossed his arms.

Hay, pano ba siya makakalusot dito?

Kinakagat na ni Donghyuck ang kanyang babang labi at tumingin kung san san, baka sakali lang may darating na pwedeng makaligtas sa kanya dito. Or siya nalang kaya umalis?

Oo, takbuhan niya nalang.

Nagr-ready na sana siya sa plano niya pero napatigil siya nang makita niya yung stance ni Mark.

Nagpipigil eto ng tawa, as he looked back and forth between Donghyuck and yung spot na balak niyang takbuhan. Parang sinasabi niya na alam niya yung binabalak nito gawin and handa din siyang habulin ito baka sakaling ituloy plano niya.

Donghyuck surrendered as he took a deep breath, suko na. Alam na eh.

“Kanino mo muna nalaman?” Tanong nito.

“Di naman yun yung importante dito.  Yes or no lang naman, Duckie” Sabi sa kanya pabalik.

Unfair. Ginamitan na siya ng nickname. Ang daya po talaga.

“Oo na. May gusto nga ako sa’yo” Pag amin nito sa kanya. 

Nagpanic si Donghyuck nang makita niyang lumawak ang ngiti ng kausap, di siya sigurado kung ano meaning ng mga ngiti niya kaya inunahan nalang niya ‘to. “Pero crush lang naman okay! Wag ka magalala, pwede pa rin naman tayong friends lang kung gusto mo”

Mark’s shoulders suddenly slumped down and nagkaroon sila ng onting moment of silence. Mark was looking at Donghyuck’s face, searching for something.

Kinabahan nanaman si Donghyuck, feeling niya parang may mali tuloy sa sinabi niya?

Parang ang weird ng atmosphere bigla. Umiwas siya ng tingin at aalis na sana kaso pinigilan nanaman siya ni Mark at hinawakan ang kamay nito. They’re now holding hands.

Nakaramdam si Donghyuck na pinagtitinginan na sila sa hallway. He gulped and turned to Mark.

Nang nakuha na ni Mark tingin ng kausap niya, he smiled again and hinigpitan ang kapit sa kamay nito.

Napangiti na din si Donghyuck dahil dito, kinikilig nga siya okay! Mommy, hawak hawak ko po ngayon kamay ng crush ko. Ang higpit pa ng kapit niya. Crush din siguro ako nito. Renjun, mahahalikan kita mamaya sa sobrang saya ko!

“Just Friends” sabi ni Mark sa kanya. 

Bumagsak bigla yung ngiti ni Donghyuck sa sinabi sa kanya.

Ano daw?

Parang may narinig siyang pinggan na nahulog sa gilid, lakas kasi nung tunog nang pagkabasag nito eh. O baka yung puso niya lang pala yun.

“H-ha?” 

Nakangiti pa din si Mark sa kanya, kahit na binabasted niya kaibigan niya (basted, wala pa ngang ligaw ligaw na nangyayare)

“Pakinggan mo yung kantang yun. Just Friends. Yun yung nararamdaman ko sa’yo” sabi nito sa kanya.

Awit sayo, bestie. May friendzone song pa siyang dinedicate sayo oh.

Tumawa nalang nang pilit si Donghyuck at tinanguan eto. “Sige.”

Kuminang ang mga mata ni Mark sa pagpayag niya at mas lalo sumama ang pakiramdam ni Donghyuck.

Ganun siya kasaya na pumayag ako sa hiling niyang Just friends? So hanggang dun lang talaga sila?

Okay sige, sabi mo eh.

Donghyuck smiled again and nodded.

“Just Friends”

Mark nodded back to confirm.

“Pag napakinggan mo na, sabihin mo sakin kung anong isasagot mo ha?” Bilin nito sa kanya, at hinila na siya para sabay silang pumunta sa library.

Tumango lang uli eto sa kanya at binigyan ng thumbs up.

Anong sagot gusto nitong makuha? pwede na rin naman na niya sabihin ngayon palang na g siya sa gusto ni Mark. 

Just Friends.

Tinawanan nalang ni Donghyuck ang sarili. Wala na ata siyang lakas na natitira para magsalita pa sa sakit na naf-feel niya ngayon.


Umiiwas nanaman si Donghyuck kay Mark. Sure si Mark dito.

It has been the third day since he confessed his feelings to his friend through a song recommendation and up till now, wala siyang balita na nakukuha galing dito. 

Akala ko ba may gusto din siya sakin?  

When Mark heard from his blockmates na may crush si Donghyuck sa kanya, halos di siya makapaniwala. 

Donghyuck? Yung cute niyang kabarkada na laging nagbibigay ng ngiti sa mukha niya; yung nagpapabilis ng kanyang puso, may pagitingin din sa kanya? 

Parang it’s too good to be true naman.

You see, Mark likes Donghyuck more than how a friend should.

He can’t help it naman because it’s Donghyuck. Everything he does is just too endearing. 

At first, nac-cutean lang siya. Pero he realized that maybe it’s not just a mere pure admiration when he realized one day na hinahanap hanap niya pa din si Donghyuck kahit na alam niyang absent eto.

He thought na oo nga no, parang everyday, he’s always looking for Donghyuck to go on with his day. Na parang di kumpleto ang araw nito pag hindi niya ‘to nakakausap. He realizes his feelings for his friend.

But maybe his feelings went way before his absence. Maybe it started the first time he saw him.

He first saw Donghyuck nung NSTP orientation nila pre-enrollment as a freshmen sa college nila.

May attendance sila noon and medyo magulo ang pag organize sa event. Binigyan siya ng attendance sheet ng organizer, pero walang ballpen na inabot sa kanya.

So how was he supposed to write his name on this paper?

Sabi pati ng staff sa registrar na requirement eto before enrollment (wag kayo maniwala kids, panakot lang nila yun, pero di sa nagpapaka-BI here).

So ayun, he’s on a crisis kasi wala siyang ballpen till he saw the guy in front of him na nagsusulat sa papel na hawak niya, si Donghyuck yun.

Nilakasan niya loob niya na para makahiram dito.

Tinignan lang siya nung una ng lalaki, bago eto nginitian nang napakalawak at iabot sa kanya yung ballpen na hawak niya.

Nakaramdam si Mark nang pagbilis ng tibok ng puso niya.

Huh.

“Balik mo yan ha, alagaan mo ng mabuti, paborito ko pa naman yan!” Pabirong sabi nito sa kanya.

Napatawa nalang si Mark at tumango dito bago magsulat.

After niya makasulat, he looked up para ireturn yung ballpen kaso wala na eto sa harapan niya. He roamed his eyes at the function hall pero di na niya siya mahanap.

Dahil mabait siyang citizen, tinago niya muna eto sa bulsa at lumabas na ng orientation hall.

He’ll return it nalang when he sees him.

Either matalas lang talaga ang kanyang mata or sadyang may magnet na yung lalaki sa kanya, dahil nakita niya din ‘to agad na nakatayo sa may gate ng building pagkalabas niya.

Nakatingin ang binata sa cellphone nito.

“Hey!” Tawag ni Mark sa kanya.

Lumingon naman eto and his face flashed a little recognition when he saw Mark.

Lumapit si Mark sa kanya at nginitian. “Huli ka” sabi nito sa kanya. Ngumiti lang yung lalaki sa kanya at tinaasan ng kilay.

Kinuha ni Mark yung ballpen na nasa bulsa niya at inabot sa kanya.

Tinignan eto ng kausap niya bago eto tumawa ng malakas.

“Oh my god. I was only joking. Nobody likes a panda ballpen” sabi nito sa kanya.

Napakamot nalang si Mark sa batok niya, ganito na pala ang mga joke ngayon?

The guy’s laughter died down a little after he saw Mark’s reaction. He smiled apologetically at kinuha na din yung ballpen na inaabot sa kanya.

“Thanks for taking care of it.”

Maybe it’s just the guy’s smile that raised Mark’s curiosity which prompted him to introduce himself.

“I’m Mark, by the way” 

The guy just nodded his head, still smiling when he introduced himself.

“Donghyuck Lee” Mark thought the name is as pretty as the smile of it’s owner.

Fast forward a few months, the two of them somehow ended up being blockmates together which made them naturally grow closer with each other. They both have the same group of friends and may kanya kanya din silang grupo outside of that. 

Aside from their friendship going stronger, Mark’s feelings for this sun-kissed boy somehow also grew bigger.

It’s not like he’s planning to confess to Donghyuck about it, since contended na siya na friends lang sila. Masaya na talaga siya na nakikita lang ‘to na masaya, with or without a reciprocated feeling.

But then one day, he saw hope. 

All his friends were telling him that Donghyuck also has a crush on him. And that he should go for it.

Nung una nga di pa siya naniniwala, pero after observing Donghyuck the day na inaasar sila ng mga kaklase niya, he thought that maybe maybe, he should grab the chance.

Sabi nga diba nila, when an opportunity arrives, grab it. And so Mark grabbed it.

Boy, was he so glad when Donghyuck did admit his feelings to him. Kaya di parin niya gets baket after niya to sabihan na pakinggan yung kantang nagp-portray ng feelings niya, eh nilalayuan na siya nito. 

Could it possibly mean that this is Donghyuck’s way of saying that he’s rejecting him?

Ay, hindi siya papayag. 

Donghyuck took the courage to say yes when Mark asked him if it’s true na may crush eto sa kanya sana naman masabi na rin sa kanya kung okay sa kanya yung hinihiling ni Mark. Kung gusto sabihin ni Donghyuck na di pa siya ready sa hinihiling ni Mark, then that’s fine. Kung di pa siya ready for a relationship, okay lang. Kaya naman nito mag-antay.

Besides.. they were just friends even before this thing that he wants to cross over.

Napatingin siya sa ingay na naririnig niya sa may entrance ng canteen nila.

Donghyuck.

Who’s apparently already running away after he probably saw Mark sa kanilang table.

See, iniiwasan nga siya neto. Mark sighed before he stood up sa kinauupuan niya.

“That’s it.” Sabi nito sa sarili.

Tinignan siya ng mga kasama niyang kaibigan sa table nang nagaayos na ‘to ng bag.

“San ka pupunta?”

“Donghyuck” Sagot lang nito bago na siya tumakbo para habulin yung kaibigan niya na tumatakas.

Naabutan niya sila Renjun at Jeno na nasa may entrance pa din ng canteen, parang may pinagtatalunan.

“Alam niyo kung saan pupunta si Donghyuck?” Tanong niya sa kanilang dalawa.

Tinignan siya ng mga kabigan nito at nagtinginan muna sa isa’t isa bago binalik ang tingin sa kanya.

Parang may pinaguusapan yung dalawa sa mga tingin na binibigay nila sa isa’t isa nang biglang nagbuntong hininga nalang si Renjun at humarap sa kanya.

“Hay nako, Mark. Pagpasensyahan mo na yung kaibigan ko. Tanga lang talaga” sabi nito sa kanya.

Kumunot ang noo ni Mark sa sinabi nito.

“Why? What happened?” 

Napabuntong hininga uli si Renjun bago magkwento sa kanya ng mga nangyari.


Isa kang malaking kahihiyan sa mundong eto, Lee Donghyuck. Isip isip ni Donghyuck habang nagmumukmok sa lamesa na natatagpuan sa isang sulok sa restricted section ng kanilang univ library.

Alam niya na iniiwasan niya si Mark, pero yun ay nung una ay dahil sa di niya kaya magsinungaling dito.

Nagpromise siya na papakinggan niya yung kanta na pinaparinig sa kanya ng kaibigan niya pero yun na nga kasi… ayaw niya talagang pakinggan eto. Ayaw niyang humarap dito para sabihin na ginawa na niya kahit hindi naman talaga.

Hindi na ba enough na sa title palang, pinapahiwatig na talaga sa kanya na hanggang pagiging kaibigan lang naman talaga ang kayang ibigay nito sa kanya?

“Hindi, bobo ka ba?” Oo na, past Renjun, manahimik ka na nga lang.

2 days after his confession, kinorner na siya ni Renjun at di pinakawalan hangga’t sa di siya kwentuhan sa kung ano ang nangyari nung araw na yun.

Renjun was so ready to throw hands at Mark when he saw how heartbroken Donghyuck was a day after nung revelation kasi kitang kita niya yung pagkamaga ng mata nito pagkapasok niya.

However, after hearing Donghyuck’s story, si Donghyuck yung sinapak niya.

“Gaga kang bakla ka! Kung kailangan mo maging assumero, hindi eto yung tamang situation para dun, bestie!” Sabi nito sa kanya.

“Aray! Ang sakit nun ha! Bakit ka nananaket!!” 

“Ang bobo mo kasi! Hayst” Nagdabog muna si Renjun sa sahig bago niya ilabas ang cellphone niya pati ang headset nito.

Inabot niya ang right part nito kay Donghyuck, at dinilatan lang siya nang nagiinarte pa eto.

Nang masigurado nyang sinuot na ni Donghyuck ang right set nito, sinuot na din niya yung left sa kanya, bago buksan yung spotify app.

“Sinabi ba kung sino kumanta?” Tanong ng kaibigan niya sa kanya

“Hindi.”

Huminga ng malalim si Renjun

“Parehas kayong bobo. Edi isa isahin natin tuloy sa spotify”

And iniisa isa nga nilang pinakinggan lahat ng kantang nakita nila sa spotiy na may title na “Just Friends”. 

Oo, alam na niya yung gustong sabihin ni Mark para sa kanya. Halos pare parehas lang din naman ang gustong ipahiwatig ng mga kantang napakinggan nila eh.

Mark wants them to be more than just friends.

Inangat ni Donghyuck ulo niya sa lamesa bago iuntog ang sarili dito, baka sakaling may lakas ng loob na biglang dumating sa kanya.

Hindi pa niya kasi muna talaga kayang magpakita kay Mark gawa nang sa katangahan na pinaggagawa niya ng ilang araw. Nakakahiya.

Pero kung tinitigil mo na ang pag iinarte mo dyan, may boyfriend ka na sana! Siguradong yan ang sasabihin ni Renjun sa kanya.

Inangat uli ni Donghyuck ang ulo niya sa lamesa bago mag-akmang iuntog ang sarili dito nang biglang may nakaramdam siyang kamay na nagpigil dito.

“Sayang ang neutrons mo. One thousand din yang nawawala” Napapikit nalang si Donghyuck sa nagsalita. Nahuli nanaman ako.

Naramdaman niyang umupo si Mark sa tabi niya at binitawan na niya ang hawak nito sa ulo niya. 

Mark lay his arm down at the table towards Donghyuck before he softly pushed Donghyuck’s head to lay it down at his arm. Ngayon, nakaunan na si Donghyuck sa arm nito.

For sure ang lapit lapit lang nila sa isa’t isa. Alam niya kahit nakapikit siya kasi naamoy niya yung pabango ng kaibigan niya.

Matapang na minulat ni Donghyuck ang kanyang mata para makumpirma na tama nga siya.

Sobrang lapit lang ng mukha ni Mark sa kanya. 

Nginitian siya ni Mark nang mag meet ang kanilang mga mata, nakasandal din eto sa sarili niyang braso.

”Huli ka” pabirong sabi uli nito sa kanya

Tahimik nilang pinagmamasdan ang isa’t isa. Mapayapang nakangiti lang si Mark sa kanya habang iniikot ikot ang mga mata nito sa kung saan sa kanyang mukha. Nararamdaman niya na tumitingin eto sa mga mata niya, sa kanyang noo, at sa mga nunal na nakakalat sa mukha niya. 

Ganun din ang ginagawa ni Donghyuck.

Pinagmamasdan lang niya din ang mukha ni Mark: Yung mga mata nito na parang laging di nauubusan ng kinang, ilong nito na napakatangos, minsan gusto lang niya laging kinukurot.

Bago pa makarating sa mga labi ng kanyang kaibigan ang mata nito, napansin ni Donghyuck na nagalaw ng onti nung hangin ang mga bangs ni Mark kaya naharanganan nito ang mga mata niya.

Inangat ni Donghyuck ang kanyang kamay para ayusin eto, but Donghyuck felt Mark stiffen under his touch, and he froze too.

“Uhh” pagsubok ni Donghyuck na pag ingay to lessen the akwardness.

He cleared his throat and retracted back his arm.

Awkward.

God, nafrustrate nanaman siya. They never had this atmosphere ever. Naiinis siya ng slight.

Buti nalang nagsalita na si Mark.

“So have you listened to what I wanted you to listen to?” Tanong nito sa kanya.

Nagtango lang si Donghyuck at napalunok.

Mukhang gusto mismo eto marinig ni Mark kaya he gave him a verbal answer.

“Yeah, I did. Yesterday”

Mark hummed. Nagiwas muna siya ng tingin bago uli ibalik sa kanyang mga mata niya at ngumiti.

“So?”

“Anong so?”

“Can we be more than just friends?”


“Nahanap mo sila?” Tanong ni Renjun kay Jeno.

Umiling lang yung kaibigan niya na ikinabuntong hininga naman ni Renjun. 

Kanina pa hinahanap ng barkada yung dalawa after marealize ni Jeno na wala sila nung time na nila para pumasok sa Media Laws & Ethics.

Nagikot na sila sa buong library pero ang nakita lang nila ay ang mga bag nila, so malamang nandito pa din ‘to. Kasalukuyan silang nasa restricted section kung san nila natuklasan mga gamit nito.

Sinusubukan ni Renjun i-contact yung dalawa pero parehas silang out of reach.

“Etong dalawang to… Nakalimutan ata na may klase pa sila”

Tinignan ni Renjun si Jeno nang tapikin siya nito at nilingunan kung ano ang tinuturo sa kanya.

Yung dalawang kaibigan pala nila na kanina pa nila hinanahap.

Palapit na eto sa kanila habang nakahawak ang kamay sa isa’t isa. Ngunit binitawan din eto ni Donghyuck matapos siya senyasan ng kaibigan na mal-late na sila.

Tumakbo na eto palapit at kinuha ang bag.

“Hayop ka, magang maga ang labi mo oh, malandi kang bata ka” Agad na bunga ni Renjun sa kanya na pinapatahimik naman ni Donghyuck.

Namula si Donghyuck sa sinabi ng kaibigan habang si Mark naman ay malawak lang na nginitian si Jeno matapos siyang bigyan eto nang mapangasar na ngiti.

Hinila na ni Renjun si Donghyuck palabas nang mabilis kaya hindi na siya nakapagpaalam kay Mark.

Okay lang naman naman. Mahahabol lang din naman niya ‘to as always.

 

Notes:

Don’t forget to leave a kudos if you enjoyed it! Comments are also very appreciated.

You can also find me below:

 

twt
cc