Work Text:
“Taeyeon, inabisuhan kita na may Christmas Party yung kompanya namin. Bakit naman nambibigla ka?” Padabog na sabi ni Baekhyun sa ex-wife niyang si Taeyeon sa kabilang linya. Medyo maingay ang background sa side ni Taeyeon, hindi niya tuloy sure if naririnig ba ni Taeyeon yung sinabi niya o sadyang mahina ang signal kung san man lupalop siya ng Pilipinas. “Yeon? Hello, naririnig mo ba ako?” Ulit niya at nung marinig ang endearment ni Baekhyun sa kanyang dating asawa ay saka naman ito sumagot; biglang nagfocus ang kanyang atensyon. “Sorry! Naririnig kita, Baek. Mahina kasi signal dito sa Samal.
Anyways! Pasensya na talaga, nambigla din kasi sila Sunny, Hyo at Tiffany. Hindi naman ako makatanggi kasi libre din nila ‘to. All paid expenses pa.” Dahilan ng dating asawa. Huminga na lamang ng malalim ang ating bida habang may chine-check sa kanyang shopping list. Nasa mall kasi siya kasama ang —
“Daddy! Si Mommy ba yan? Kausapin ko po!” singit ng boses ng batang babae. Sinitsitan naman ni Baekhyun ang unica hija na si Taehyun. Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang labi; mimicking a quiet sign. “Shh…Didn’t Daddy tell you not to shout when we’re at the mall?” Little Taehyun gasped and copied his father’s quiet pose.
Nasa dairy goods section sila. Baking and dairy products nalang kasi ang kulang niya sa shopping list kaya napunta sila dito. Tsaka nagrequest din si Taehyun na magpapabili ng Yakult at Delight kaya ayun tatlong pack ng Yakult at Delight ang inilapag niya sa cart nilang mag-ama. “Kausapin ka daw ng anak mo.” and crouched para magpantay sila ni Taehyun at inilagay ang earbuds sa magkabilang tenga ng anak. A few minutes, Taehyun finally spoke with a jolly tone in her voice. “Hi Mommy! I miss you po.” Baekhyun decided na eto yung time ng mag-ina kaya they let them in their own world. Kinarga muna ni kanyang at ipinasok sa trolley cart at nagpatuloy sa kanilang pamimili ng groceries.
It took them another hour to finish kasi nagpahabol si Taeyeon ng kanyang necessities saying that he’ll pay nalang once na nakabalik na siya ng Manila. They added toiletries, skincare products, a little fruits and vegetables, kasi wala na din daw stock siya sa sarili niyang bahay. Baekhyun didn’t mind, this was the setup that both agreed to. Co-parenting was also fun and at the same time, stressful too. Their daughter was having the time of their life and also a ball of sunshine sa dalawa. Hindi nila pinaramdam na his Mommy and Daddy are not on good terms despite being separated. They also explained to Taehyun about why the two of them were not living in the same house. Noong una, Taehyun couldn’t understand because her little mind could not digest all the information that they dropped until Baekhyun’s Momma was the one who paved the way.
“Pero GrandMommy, is Mommy and Daddy not in love with each other anymore?” (Taehyun refused to call her Grandma “Lola” because her Lola announced and quoted “I’m still in my prime years and young looking. My dear Hyunnie, call me GrandMommy okay?”)
“Hyunnie, my darling hindi sa ganun. Let me ask you something ah. Did your Mommy and Daddy neglected you ever since kahit di sila nakatira sa isang bahay hmm?”
“No po. They still text each other. Mommy always goes to my small competitions and all while Daddy is always present when I get high grades or oh! I remember when I was graduating Kinder both Mommy and Daddy were there. GrandMommies and GrandDaddies were there too!
I love you guys so much.”
“Oh see? No matter if your Mommy and Daddy are not living together anymore, they will always make time for you, my darling Hyunnie.
Never forget that. Okay?”
But how did they even get in this situation? Well once, upon a time, the two of them were so happily in love with each other, made love passionately, and the next thing they were married. Their marriage was good and all until both of them called it quits. Both of them felt like it was just high adrenaline but then silang dalawa ang umayaw. “Let’s file a divorce, Baek. We both know na hindi na tayo nag-eenjoy sa isa’t-isa and I agree.” But before that, Taeyeon just dropped the bomb that she was pregnant.
Of course the two decided to keep it. They can provide their baby’s needs naman since both of them are successful with a stable job and income. The two bought separate condo units; but Baekhyun stayed in Taeyeon for the duration of her pregnancy. Ayaw niya kasi na wala siya kapag manganganak na pala si Taeyeon at hindi niya kayang makita first thing ang magiging supling kaya kahit pagod na pagod ang ating Baekhyun from work, hindi siya mapapagod na alagaan si Taeyeon and his ex-wife would do the same to him as well.
A few months have passed and their firstborn finally exists at a chilly month of August at umuulan pa nga noong araw na iyon!
Baekhyun was doing a work-from-home setup at Taeyeon’s condo unit. He was having a zoom meeting for an international client na’ng sumigaw si Taeyeon ng: “Putangina, Baekhyun. Manganganak na ako!”. Rinig na rinig ito doon sa makeshift office-slash-temporary room niya kaya Baekhyun had no choice but to postponed his client meeting to rush his ex-wife towards the hospital. There were a lot of misfortunes na nangyari before that: the fact na nasiraan sila ng kotse in the middle of the night, may bagyo pa, etong si Taeyeon ay sigaw ng sigaw like a screaming banshee, at SOBRANG ingay pa dahil nga kumikirot na ang kanyang tiyan na hinihila niya ang buhok ni Baekhyun.
"Ahhh!!! Tangina, Baekhyun di ko na kaya."
"Malayo pa ba tayo? *heavy breathing* Hah, hah, hah. Ahhhhhhhhhhhh jusko ahhhhhh!"
It wasn’t easy, if Baekhyun would be honest. Hindi niya rin kasi aakalain na magiging ganitong ka-exhausting ang makita mo ang iyong asawa na nahihirapan dahil sa pagbubuntis. Wala naman siyang matres kayo bang alam niya but all of it were shattered noong narinig niya ang unang ungaw at pag-iyak ng kanilang anak. The nurse asked Baekhyun if he would liked to hold their baby. With shaky finger, Baekhyun grab hold of their baby and that’s where he knows that mamahalin at aalagaan niya ito. “Taehyun.” He announced while Taeyeon was catching her breath to look at her ex-husband and their daughter. “Tae…hyun.. That’s a cute name, Baekhyun.” until she lost consciousness na.
“Byun Taehyun. That’s the name of our daughter.”
This phase was also the discovery that the two were really not meant to be partners for a lifetime and decided to just stay friends but vowed that they would never let their daughter that he was not loved. They were civil with their co-parenting na parang mag-bff nalang talaga. Taeyeon was sweet, loving and a good company pero wala na talaga yung sparks (nuksnaman!) ng dati when they were lovers. Kahit anong umpog nila, kahit anong malisya na ikutya sa kanila ng mga taong nakapalibot sa kanila, magkaibigan nalang talaga sila.
Wala na eh, end of chapter na talaga ang BaekYeon eh.
The ride home took them two hours kasi ang lala talaga ng traffic sa Manila. Mabuti nalang talaga ay maligalig ang kanyang anak na that made the disturbing ride home a bearable one: his daughter was talking nonstop about the talk with her Mommy. She explained that she was very sorry that she went far far away. Baekhyun nods that he was listening while waiting for the car in front of him to at least move. “But tita Sunny said that they will bring lots and lots of pasalubong when they go home. Mommy also asked if there was something that I wanted from her.” Hindi rin nakakatulong ang mga tugtog sa radyo dahil puro shitty jejemon songs ang pinapatugtog na naalala niya yung mga mid-college years niya wherein he was jamming with these english-song-turned-to-tagalog-shit-rap-songs and yes, inaamin niya yun yung caling niya.
Jeje! Baek was something pero College! Taeyeon was too kaya quits lang naman talaga kami. Sabi niya sa isip pero that was looooooonggg gone, ibinaon na rin sa limot AT hindi na dapat kailangan pang alalahanin. Pinalitan niya ng station hoping to find decent songs pero ayaw yata ng universe dahil ang natugtog naman ay mga sentimental at angst songs. “Aba’y putang—” Taehyun then glared at his Daddy. “Daddy, don’t say bad words. ‘Di ba you told me it's wrong?”
“Putaytwooohh…” Marihing nalang na binulong, binisinahan ang sasakyan sa harap ngunit wala din naman magagawa ang kanyang inis dahil stuck nga sila sa traffic. Thank you, EDSA. “Anything else, baby? Ano pa naikwento sa iyo ng Mommy mo.” Eyes on the road still incase na gumalaw na yung mga sasakyan. Taehyun added that his titas and her Mommy would go explore in an underwater cave. That made his mood foul. He wanted to go on a vacation as well. At least after this Christmas and New Year is done. “Now, that made me jealous. Tell you what, why don’t we go on a vacation trip as well?
After New Year. We’ll let Mommy tag along too.” He offered which made the little child sparkle in delight. She asked if her GrandDaddies and GrandMommies would come too. Baekhyun wouldn’t mind spending thousands of pesos as long as he gets to relax and be with his daughter. “Of course. We can ask GrandMommies and GrandDaddies to come.
Here, why don’t you call them already if they’re okay with it.” Giving his phone to his daughter and speed dialed his Mom and saktong timing ay gumalaw na din ang mga sasakyan. Baekhyun revved up the engine and drove towards his condo.
The Next Day…
“Roseanne Chloey! ‘Wag kang masyadong magulo please. Nagtatrabaho si tatay di ba?” Sita ni Chanyeol sa kanyang anak na tumatakbo paikot-ikot sa production floor ng IT and all Chanyeol could was repeatedly bow his head for forgiveness. Wala kasing mapag-iiwanan si Chloey dahil yung babysitter niya ay naabisuhan na si Chanyeol na hindi muna niya mababantayan si Chloey dahil may date siya. Yung mga kaibigan niya naman din, hindi niya mapagkakatiwalaan; lalo na ang mag-jowang sina Jongin and Sehun. Mas bata sila ng dalawang taon pero pag nagsama silang dalawa parang lagi nalang red flag: kalokohan dito, kalokohan diyan, problema dito, problema diya, atbp. Hindi mo nga aakalalain na mag-syota pala sila sa inaasta nila pero ayun nga boyfriends for almost 5 years na din at staying strong ang mga bunsong ito.
Naalala niya nung unang beses niyang pinaalaga sa kanila si Chloey. Wala pa sa kalahating oras ng shift niya sa trabaho ay, nakareceive siya ng tawag mula sa asosasyon dun sa kanilang village na naireport ang kanyang anak na nagbebenta ng cookies sa bahay-bahay. Ng mag-isa. Nag-excuse si Chanyeol sa kanyang boss na maghalf-day para masundo ang anak. Buti nalang hindi pinaalis ang kanyang anak ng mga namamahala sa asosasyon. Nagpasalamat siya sa mga nagbantay kay Chloey at sinugod naman ang dalawang bunso at nakatikim ng katakot-takot na warnings. Hindi niya kayang manakit ng tao lalo na sa harapan ng kanyang anak pero ang ngiti ng isang Park Chanyeol ay isang hudyat na “You’re fucking dead.”
Kaya heto siya ngayon, hinahabol ang kanyang anak na si Park Roseanne Chloey bago pa siya may masangging mga gamit dito at mapagbayad pa ng di-oras ang ama. “Chloey, di ba promise mo kay Tatay na magiging mabait ka at di ka kukulit?” Hinahabol niya parin ang kanyang anak. Si Chloey naman ay inilabas ang dila sa harapan ng kanyang tatay at lalong nang-aasar. Malapit nang mawalan ng pasensya ang ating gwapong tatay ngunit kailangan niyang magtimpi. “Bakit kasi wrong timing makipagdate si Mark.” mahinang reklamo niya at patuloy ang pagsundan sa kanyang anak. Malapit nang makarating si Chloey sa Main Central Processor room kung saan lahat nakalagay ang mga servers ng kanilang mga computers. Papasok na sana si Chloey sa loob ng kwarto nang kargahin siya ng isang matangkad na lalaking chinito at maputi.
Namukhaan naman ito ni Chanyeol at kumaripas nadin papunta sa kinaroroonan ng dalawa. “Jusko ka, Chloey. Pinagod mo pa ang tatay mo sa kakahabol sayo.” Pinisil ang matatabang pisngi ng batang babae at nainis ng bahagya sa ginawa. “Tito Lay, ang pangit mong kabonding. Ibaba mo po ako.”
Bigla naman tumingin si Lay kay Chanyeol, itinaas ang magkabilang kilay. Binulong naman ni Chanyeol na napulot niya ito sa mga pinapanood nilan mga drama sa TV. Tulad ng gusto ni Chloey ay ibinababa siya ni Lay na nakakunot at nakapamewang. “Salamat kuya Xing. Buti nalang hindi nakapasok si Chloey sa loob. Lagot talaga ako kay boss kung ganun.” Napakamot ng ulo tsaka tinawag muli ang anak. Salamat naman sa diyos at sumunod ito at lumakad patungo sa kanya.
Hinalikan ang bumbunan at pinagsabihan na huwag masyadong makulit. “Hmmphh! Opo tatay, hindi na po magkukulit si Chloey. Pero nagugutom na po ako.” Sabay hawak sa tiyan at nagpapacute. Natawa naman si Lay at ang ibang mga katrabaho niya ay napa-daaawww sa sobrang kacute-an ni Chloey. Tinignan niya din naman ang oras sa kanyang relo.
Alas dose na ng tanghali. Lunch break niya na rin naman. “Lunch break na din pala. Sige na nga, ano ba gustong kainin ng baby Chloey na yarn?” Ngumiti na parang demonyo ang anak.
Uh-oh…Sa ngiti palang ni Chloey, nagpapahiwatig na masama ang kutob niya. “Gusto ko ng ramen, tatay! Para maging katulad din ako ni Uzumaki Naruto. Malakas.”
Oh Sehun!
Natapos ang lunch break ni Chanyeol na iniisip kung papaano niya ba reresbakan sila Sehun at Jongin sa mga pinagtuturo nila sa anak niya. Naruto? Ramen? Masyado din niya siguro binabad si Chloey sa kakapanuod ng TV at anime kaya kung anu-ano na rin ang nakikita niya, dagdag niya na pa at sigurado siya na ginagatungan pa ni Sehun kapag nangangapit-bahay siya sa bahay ng mga Park.
Karga-karga ang batang babae sa kanyang mga bisig, pumasok muna sila sa IT production floor, tinanong niya ng tahimik kung merong extra na upuan na pwedeng gamitin ni Chanyeol upang pansamantalang gamitin bilang higaan at nang makahiga ng maayos ang kanyang anak. Si Lay na ang kumuha ng dalawang swivel chair sa loob ng interview room na dahan-dahang nilapag ang natutulog na Roseanne Chloey. Hinawi ng ama ang buhok ng anak bago dahan-dahan umalis papalayo at bumalik na mismo sa pwesto. Ang daming messages sa kanya ng mga iba’t-ibang departments na humihingi ng tulong tungkol sa kanilang mga desktop computers.
“Sus! Gusto mo din naman. Alam mo naman ang benta ng mga IT boys sa ibang department. Malay mo, makita mo ulit si Director Byun.” Biro ni Lay sabay nagpakawala ng mahinang suntok. “Gago ka Kuya Lay.
Alam mo naman straight yun. May anak nga ehh.” gatong ni Chanyeol habang isa-isang chinecheck ang mga messages. Karamihan ay parehas lang ang concern na biglang nawawalan ng internet ang mga computer nila, yung iba ay maluwag na pagkakabit ng lan cable sa mismong CPU kaya hindi nadedetect ng LAN ang internet, may isang instance din na pinatawag siya sa marketing department kasi yung printer nila hindi nakakapagprint. “Ma’am hindi po talaga magpiprint siya, hindi naman po kasi nakasaksak eh.” Minsan gusto na lang din pumanaw ni Chanyeol sa mga problema ng mga tao sa iba’t-ibang department na hindi naman talaga dapat problemahin pero pinapatawag parin siya.
And speaking of Director Byun…
Nandito yung assistant niya na si Seulgi at mukhang alam na ni Chanyeol kung bakit.
Kung tina-timemingan nga naman.
“Uy yung assistant ni jowa sinundo ka na, ayiee!!” Kantyaw ng mga kasamahan niya na para namang timang. Papalapit naman si Seulgi na hinihingal at hinahabol ang hininga. Baka nga urgent ito. “Chanyeol, sorry ah. Nakakaistorbo ako ngayon, tawag ka kasi ni Boss B.” Chanyeol only shook his head, “No worries tsaka never naging abala si Boss Byun. Eto trabaho ko eh, hahaha.” Humalaklak ng mahina pero sa totoo lang hindi niya rin maikaila na excited siya at namimiss na ang mukha ng Art Director ng Marketing department.
Mahigit isang linggo noong pumunta ulit siya dun sa department nila Baekhyun since wala naman kasing nagkakaroon ng issues na IT-related. Partly din kasi may pagkukulang si Chanyeol dahil sa hindi niya maasikaso at maraming pinapa-upgrade ang IT boss niya; coding dito, coding diyan, encode ng mga program, i-check ang mga PMs na narereceive niya sa mga iba’t-ibang departments at syempre ang kanyang anak na si Chloey na minsan ay gustong sumama sa kanya kapag bumibisita siya sa ibang departments at kilala na din ang kanyang anak. Hindi naman sa ipinagbabawal ang anak sa workplace, walang kaso sa mismong CEO ng kompanya as long as no damage daw na magkakaroon kaya sobrang daming magbilin si Chanyeol dahil masyadong makulit ang anak. Buti na lamang at masarap ang tulog ni Chloey kaya walang asungot siyang kasama.
Inayos ang damit, and chineck ang anak sa swivel chair makeshift bed, okay tulog parin siya. Tinignan niya ang kanyang kuya Lay, minatahan na silip-silipin si Chloey habang wala pa siya. Nagthumbs-up lang naman siya, binulong na siya na ang bahala sa anak at sinundan si Seulgi papuntang office ni Art Director Byun.
Matagal nang biyudo si Chanyeol. Dalawang taon na kasing nagpaalam sa mundong ibabaw ang kanyang asawa na si Park Chaeyoung or Rose since mas prefer niya daw ang kanyang English name kesa sa Birth name niya. She died while giving birth, Chanyeol had to choose between the two but he couldn't. Rose was the one who told his husband to choose their baby instead of her. When he heard the first cry of their daughter, Rose immediately gave the name of their baby — their baby daughter. “Roseanne Chloey Park. Anuman ang mangyari sa akin, I will always love you. Please enjoy life,” Her wife was struggling, putlang-putla at sobrang nangingitim na ang labi ni Rose. Nanginginig na kinuha ang kamay ni Chanyeol. “Loey. Ikaw na ang bahala sa kanya. Alam ko naman na hindi mo siya pababayaan.
At sana sa paglisan ko, sana nasa puso mo parin ako. Kailanman mamahalin kita pero I am also giving you permission to find another love. Kahit mawala ako sa tabi mo pangako mo sa akin na maghahanap ka ng bagong pag-ibig.
Ipakilala mo siya sakin at bisitahin niyo ako huh. You will always have my blessing, my love.” Those were Rose’s final words before she left the world. Mahigit kumulang na dalawang taon din bago siya makapag move-on.
Inisip niya if may nagawa ba siya noong past life at bakit kinuha sa kanya agad ang kanyang asawa. Naging coping mechanism niya ang painting at gumawa ng mga music compositions habang nasa moving stage siya. Of course, hindi rin naman nawala ang magjowang sina Sehun and Kai na sinamahan siya sa madilim na kabanata ng buhay niya at ni Chloey. They may be jerks or siraulo sa tingin ng iba. Minsan ayun din ang tingin ni Chanyeol pero kahit kailan ay hindi niya ipagpapalit ang dalawang ito.
Forever 1 na silang magkadikit eme.
Death wasn’t something Chanyeol was used to.
From his pets, relatives, and friends. Losing someone dear to you will always have a hole left in his heart. Ayaw man maging miserable ang naiwan na Park kaya noong lumalaki si Chloey, minahal niya ng sobra-sobra si Chloey at siguro eto din yung dahilan kaya nagrerebelde ang kanyang anak. Masyado kasing nabaling ang atensyon niya sa bata at hindi niya narin napansin na napapabayaan niya na din ang kanyang kaligayahan. Walang love-life, walang social life, wala. Laging bukambibig si Chloey, trabaho at mga bayaran sa bahay kaya noong nakilala niya si Art Director Byun ay medyo… may sparks?
Napakasipag na tatay nga naman, sana all!
“Sir. Byun andito na po si Chanyeol.” sabi ni Seulgi sa intercom. Baekhyun was fixing himself to look presentable na din. It’s been so long since he needed help regarding computers and technologies. Plus, it was the Park Chanyeol that they were talking about. Sabi nga ni Jaydae, ang kanyang bff for life — “Isang one in a million lang ang isang Park Chanyeol kaya dapat hindi pinalampas.” his words not Baekhyuns’.
He thanked Seulgi for getting the IT dahil nasisiraan na siya ng bait dahil ayaw parin magboot ng desktop niya. He tried consulting na din with google and some youtube guides from the “Desktop not booting up” pero mukhang he made the problem worse kasi totally ayaw na niyang bumukas! Of course, lagot din siya sa HR kasi for sure, if he broke, he’ll pay for the item which is fine with it pero he hopes naman na hindi kasi dagdag din yun sa savings niya. Sa sobrang panic ni Baekhyun hindi niya namalayan na andyan na pala ang kanyang bisita.
Ahem!
“Shit!” Napasigaw na lamang ang ating art director only to see a handsome face from the IT department. Introducing, the one and only candidate of Baekhyun’s “Mr. Jowa” — Mr. Park Chanyeol ng IT department! Keep it together, Byun Baekhyun. Hindi ka marupok.
Nahahawa na tuloy siya sa rupok mumints courtesy of his bff-for-life-or-die na Kim Jaydae or "Jade" for short. Masyado kasing madaldal at maingay si Jade kaya and he is the source of all the chika. Jade is together with his lifetime live-in partner na si Kim Xyler Mykel o "Mykel" nalang kasi hirap ang tao i-pronounce ang kanyang name.
"Sir Byun, okay lang po ba kayo?" Tanong ni Chanyeol sa kanya na tila namang wala pa sa sarili si Baekhyun. Aligaga naman siyang humingi ng paumanhin dahil sa kilos niya. He also explained about what happened to his desktop about not booting up. "Ah." was Chanyeol's reply - already knew what the problem was and went towards the said computer. He pushed the power button while Baekhyun was watching do his work. "Pasensya ka na talaga, Chanyeol. Naabala pa yata kita.
Baka kasi may pinapagawa din sayo yung IT department." He apologized again dahil conscious din siya sa presence ni Chanyeol. Curse Jade at sa mga shenanigans at pagbibigay sa kanya ng kung anu-anong ideas. Natawa naman si Chanyeol saying that he doesn't mind at all.
Really. He didn't.
Chanyeol saw the lights coming from the monitor signaling that it was turned on and then checked the wires: they were okay naman: no loose wirings whatsoever pero he had a hunch.
Kinalikot niya ng konti ang cable sa pagitan ng CPU at ng monitor. He tried na hugutin ito at isinaksak uli. Nabuhay ang monitor screen at kitang-kita ang desktop ng ating director ang mga naka-open na programs pero biglang nag blackout muli. "Ah." Gets niya na ang problem and Baekhyun has a clue na din. Muling tinanggal ni Chanyeol ang wire ng monitor display. "Yung cable na yata ang diperensya, Sir. Byun. Matagal-tagal na din kasi yung mga wires at yung sa monitor display pa talaga yung nagkaroon ng problema," Pinakita ang wire na tinanggal niya. Medyo may kalumaan na din siya based from the fading color. Hindi narin kasi ganun katingkad yung color black ng wire. Most of the wires from his office were brand new pero may nakaligtaan siguro ang IT na hindi napalitan. "Bale po, we'll just replace this po today.
We'll provide muna a laptop for you sir. para tuluy-tuloy pa rin ang trabaho." He called the IT's extension in Baekhyun's office and explained the situation. "Also, pakidalhan na din ako ng macbook para kay Sir. Byun. Thank you." Bumaling ng tingin si Chanyeol kay Sir. Byun.
That genuine smile of the Art Director was something that Chanyeol missed.
Matagal din kasing hindi sila nagkita. Kahit sa cafeteria ng kanilang opisina ay hindi nakakapang-abot ang dalawa. Hindi namalayan ng dalawa na matagal na pala silang nakatitig sa isa’t-isa. The two chuckled. “Baka kailangan ka na pala sa IT. I won’t keep you anymore Chanyeol.”
“Wala po yun, Sir Byun. Hihintayin ko nalang po si Yael po para sabay na po kaming bumalik ng IT department.” Sambit niya pa na may kailangan pa siyang ilagay na programs at icheck ang laptop for maintenance para wala na masyadong aberya na mangyayari.
Lies.
Actually, ayaw niya pa talagang umalis at gusto niya pang makasama ang maliit na Director kaso torpe siya. Sabi nga ng kuya Yixing niya: sa laking tao ni Chanyeol, umuurong at natotorpe ang higante na ubod sa ingay sa IT pagdating sa maganda at maliit na Art Director ng Marketing department.
Hay nako, Chanyeol.
Nahiya naman si Baekhyun kaya inaya niya si Chanyeol ng panghimagas. May sarili kasing pantry si Baekhyun (courtesy of him requesting to the management dahil kay Taehyun) mabuti na lang at inutusan niya si Seulgi na bumili ng mga pagkain at inumin noong nakaraang araw ng huling bisita ng kanyang anak sa opisina. Pagkabukas niya ay lumantad ang Delight , strawberry yoghurt, gummy worms, choco-strawberry bars, etc, at oo, lahat ng nabanggit ay mga paborito niyang pagkain. Nakakahiya.
Ayaw niya namang tawagin si Seulgi para makisuyo at bilhan sila ng pagkain dahil alam niya din na busy siya sa pinapagawa niyang thumbnail sketches. He heaved a sigh and grabbed a choco-strawberry bar, Delight, at yoghurt. Bahala na kung ano ang mangyayari. “Here.” giving Chanyeol the bottle of Delight that he has on his hand. The other one was for him kaya matchy-matchy sila, emz. He offered his thanks to Baekhyun punching the small probiotic drink from his hand.
Now he understands why the small director loved this. "Masarap siya ah." Baekhyun asked if this was the first time he'd drank, said Delight. He nodded; "Binibilhan ko lang po kasi yung anak ko nito pero never ko pang natry tikman.
Masarap nga siya." Saktong timing dahil dumating na ang kasama ni Chanyeol dala-dala ang nirequest niyang laptop para kay Baekhyun. Chanyeol booted up the device first then chineck muna kung may mga mishaps o bugs. So far wala naman, sabi niya sa isip at inopen ang mga softwares if they require any updates. Up to date na din ang mga softwares. Chanyeol turned off the laptop and gave it to the director. "Heto na po Sir. Byun. Temporary po muna siya for now kasi papalitan pa po namin yung mga cable wires niyo mismo," Chanyeol glanced over dun sa kasama giving the signal na pwede nang tanggalin sa pagkaka-saksak ang mga cables.
Binuhat ng kanyang kasama ang mga cables na tinali ng maayos upang madala nila ng papunta sa IT department. Said director just nodded and thanked them for their assistance most especially computer-related things. "Really sorry guys for the inconvenience."
"Naku, Sir. Byun. Okay lang naman po talaga yun at saka ito naman po talaga yung trabaho namin—" hindi natuloy ang kanyang salita dahil yung kasama niya mismo ay sumabat. "Sus! Hay nako Sir. Byun alam niyo ba sobrang excited talaga siyang makapunta dito sa office niyo kasi miss na—"
"Huwag po kayong maniwala dito sa mokong na ito sir. Don't Say You Don't Love Me by M2M ho yan. Tumigil ka na baka itali ko tong mga wires na to sa sarili mo."
“Luh, Chanyeol ikaw talaga pakipot ka pa— aray! Shet timepers puta.”
Baekhyun asked again on what they were saying since he didn’t hear properly kasi medyo mahina ang mga boses. Chanyeol assured the art director that it wasn’t anything bad and excused themselves. Baekhyun just waved nalang hangga’t sa makaalis na sila ng office niya.
‘Nong wala na talaga sila ay huminga ng malalim si Baekhyun saka naman pumasok si Seulgi para makimarites. “Ano sir Byun kumusta naman ang imaginary kipay? Haha.” Tinaasan ng kilay ni Baekhyun ang kanyang chismosang assistant at sinabihan na magdahan-dahan sa pananalita. Pero hindi niya din naman masisisi si Seulgi kasi..well, ganyan na talaga siya. Hinayaan niya nalang ang dalaga na magkalat until he heard his phone. It was the ringtone indicating it came from Taeyeon.
His ex-wife’s face came into the screen with her face hidden from the face mask. She informed him that she will be coming back to Manila now since their vacation with her fellow sister friends were done. “I even bought you fresh fruits for Mama and Papa — oh, are you still at work ba? I can call later if you want."
"No no it's okay. Sorry for the sudden trouble talaga.
I know I can tag Taehyun along with me but you might want to spend some time with her. Taeyeon agreed because she was away for quite a long time that hindi nasunod ang schedule nilang mag-asawa in taking turns with their daughter kaya Taeyeon accepted to take Taehyun with her while Baekhyun was having to prepare for their Christmas Party and ending the call.
Malapit na din siyang maulol kasi he still doesn't have anything to wear at the party and it's almost… "Five days nalang pala. Gosh anong gagawin ko." Baekhyun groaned contemplating what to do. Should I just ditch? No no, he's the Art director of the company so of course, his boss will definitely look for him but what would a twenty-five-year-old guy have an idea what to wear to a jungle-themed party?
Alright, google it is then.
Tapos nang magcheckout sa Lazada si Chanyeol para sa kanyang costume sa nalalapit na Christmas Party ng kompanya. Dahil nga animal-themed ang party, naghanap na lamang siya ng ready-to-wear na costume sa online shopping app sa kanyang cellphone. Of course, tinanong niya din ang anak na Chloey if meron ba siyang suggestion para sa costume.
At si Chloey bilang si Chloey ay siya na mismo ang namili para sa kanyang tatay pero…
"Hindi mo pwedeng makita ang costume tatay kaya oorderin ko to sa cellphone ko mismo bleh!" at binalaan ang kanyang ama. Gusto niya sanang di pumayag kaso nakalayo na si Chloey at for sure siyang nilock ang pinto sa sariling kwarto. Bumuntong hininga na lamang ang dakilang ama. Hinilot ang sintido saka pumunta sa kusina upang kumuha at mag-asikaso ng kakain nilang mag-ama nang may nag-doorbell. "Kuya Chanyeol, pabukas! Lezzgo sago may bagong Tekken sa PS5. Tara laro!"
Nagkibit-balikat ang ating bidang ama na pinagbuksan ang pinto. Lumantad naman sila Sehun at Kai hawak-hawak ang nasabing bagong laro. Inutusan niya ang dalawang mag-jowa na ayusin ang game console habang bumalik sa kusina at maghain ng makakain.
Mag-sasaing nalang ako ng marami para pag may matira ay isasa-sangag ko.
Kung nung una ang iniisip niya na pagkain ay noodles lamang ngayon isang corned beef na lang ang lulutuin. Pahamak talaga tong mag-jowa na to, sabi niya sa isip at tuluyan nang nag-asikaso para magluto.
Hinanap naman ng dalawa si Chloey habang isinasalang ni Sehun ang CD ng laro sa PS5 ni Chanyeol. "Busy yon kasi nagsabi ako sa kanya na magsuggest siya ng costume para sa Christmas Party namin." dagdag niya dito ang complicated na theme. "Ayy I belib tama behaviou— luhh joke lang naman pero naniniwala ako sa powers ng aking inaanak."
Ito na yung time na nambato ng basura (maliit na balat ng sibuyas) si Chanyeol na sapul sa mukha ni Sehun.
Three points kay Park Chanyeol!
At dahil doon ay biglang humapdi ang mga mata ng binata at natuluyang umiyak dahil sa sibuyas.
Buti nga sa kanya, dasurb!
"Hala ang baby ko…" Tahan ni Kai kay Sehun na binebaby talk ang jowa. Umiling lamang si Chanyeol habang tinatapos ang paghihiwa ng bawang at sibuyas. Matapos niyanh maghiwa ay prinepare na ang kawali, corned beef, at ang bawang at sibuyas at sinimulan na ang mag-gisa.
Nasa start menu interface na ng laro ang TV at pumili na magjowa ng kani-kanilang character na gagamitin. Familiar naman si Chanyeol sa mga characters dahil isa ito sa kanyang childhood games. Pinili ni Kai si Nina Williams habang ang kasintahan ay ang nakakatandang kapatid na Anna Williams. "Buh…magkapatid, magkaribal pa huh." Anunsyo ni Chanyeol inilipat niya na ang ulam sa mangkok at isinaayos ang lamesa.
"Chloey anak, lumabas na diyan at kakain na tayo." tawag niya kay Chloey sa kanyang kwarto. Tumunog ang pintuan at lumabas ang batang babae na tila bungisngis ang ngiti na parang may gagawin na masama. Tinaasan naman ng kilay ni Chanyeol ang anak — a silent question kay Chloey at tinanong kung ano ang nasa isip niya. "Hehehe secret po tatay. At bawal pa makita ang costume mo." Dagdag niya habang inaayos ang sarili sa pagupo sa upuan. Niyaya niya naman ang dalawang ninong na samahan sila sa pagkain which hindi naman tinanggihan ng dalawa.
Medyo okay na ang mata ni Sehun kaya siya ang unang umupo at sumunod si Kai. "Ayos! libre fudz. Kaya nandito talaga kami ni baby Sehun eh, di ba mahal?" Nagsandok naman ng kanin at ulam si Kai at ginawa dina sa kanyang jowa. Sweet nila masyado, kailangan nilang pabagsakin, isip ni Chanyeol. Tinanong niya ang anak kung kailan madedeliver ang costume niya para mapaghandaan or at least may idea siya dadalhin niya ba ang sariling kotae papunta ng venue.
Knowing Chloey at isama mo pa ang impluwensya nila Kai at Sehun ay forda sure siyang nakakahiyang costume ang pinili ng anak. Wala na rin kasi siyang time para maghanap ng alternative at baka hindi ito umabot sa mismong party. May tiwala naman siya sa anak na hindi bastos ang napiling kasuotan.
He really really wished talaga na hindi.
O ne day before d-day na! sobrang excited ang batang babae na nag-alarm pa nga siya ng maaga para lamang salubungin ang delivery guy na maghahatid ng package aka costume ng kanyang ama. Dali-daling nag-asikaso at ginising ang ama sa kanyang kwarto. Binuksan ang pintuan at nagtatatalon-talon na ang batang babae sa kama ng ama. “Tatay! Tatay! Gumising na po kayo please!
Paparating na po ang costume niyo kaya gising na po!” Tila nagulantang naman si Chanyeol na naghahanap pa ng will para gumalaw-galaw sa kinahihigaan. Umungol at nagtakip ng ulo nang wala sa katinuan pa na sinabihan sa anak na ‘wag muna magkulit. Humingi pa ng 5 minute extension. Hindi pumayag ang batang babae at tinuloy ang pagyanig at paggising sa ama. Pinagbabantaan na hindi siya kakain hangga’t hindi nabangon ang ama.
“‘Tong bata na to…” sabi niya na medyo groggy pa ang utak at saka tumayo sa kama; nagkusot-kusot ng mata at tuluyang umalis sa kanyang kinahihigaan. Tinulungan naman siya ni Chloey na tupiin ang kumot at ayusin ang unan na pinag-gamitan. Matapos maayos ay sabay na silang pumunta palabas ng kwarto at tumungo sa kusina para makapagluto ng almusal. Tinanong ni Chanyeol si Chloey if may gusto ba siyang pagkain. “Itlog! Hotdog! Sinangag!” sambit ng bata at kinuha ang nasabing mga sangkap.
Matapos ang ilang oras at kumakain na ang magtatay ay nagkwentuhan sila tungkol sa costume at kung ano ang mga nangyari kagabi.
Pagkatapos kasi ng dalawang mag-jowang sina Sehun at Kai na makikain at maglaro ay bagsak na ang katawan ni Chanyeol na hindi na niya naalala if naihatid niya ba or naasikaso ang dalawa palabas ng bahay nila. It’s probably Chloey pero for sure naman na it’s the other way around din.
Kilala nila Sehun at Kai si Chanyeol that they've probably they let themselves out. Sila na din mismo ang nag-asikaso sa kanilang inaanak para makapagpahinga at matulog at tama naman ang kanyang hinala dahil pagkakita niya sa cellphone ay tumambad ng tadtad na text messages nilang dalawa ang kanilang group chat. Proud pa ang dalawa sila na mismo ang naghugas, nagligpit at nagpatulog kay Chloey. Ngumiti naman si Chanyeol ng pasasalamat sa dalawa at naisip na kung anong magandang suhol at tumunog na doorbell ng kanilang bahay.
Hudyat na may padating.
"Tao po, Lazada delivery!"
Nagmadaling nagpunas ng bibig ang batang babae upang salubungin ang delivery man. Si Chanyeol naman ay kinuha ang wallet sa bag upang bayaran ang delivery. Hindi din kasi niya alam kung magkano ang damit dahil nga sa anak na ayaw pa ipa-alam. "Anak, magkano yung presyo ng costume? Chloey! anak!
Hays…" Humugot siya ng limang libong piso sa wallet at sumunod sa anak sa labas ng bahay.
Pagkabukas ng gate ay… isang malaking kahon na kasing tangkad lamang niya! Susmaryosep, Roseanne Chloey. Ano ba tong binili mo? Nakatingin naman ang delivery man sa kanilang mag-ama. Bakas sa mukha ni Chloey ang excitement sa mukha. "Dali-dali tatay! Bayaran mo na po yung package!" Inabot naman ni Chanyeol ang five-thousand bills at sinuklian siya ng five-hundred pesos.
Four thousand five-hundred pesos yung costume?!
May makakatikim talaga ng palo.
Nakupu ka Roseanne Chloey…
Kinuha naman ni Chanyeol ang parcel at ipinasok ito sa loob ng kanilang bahay. Para sa isang gamitan lang na damit, gumastos na siya ng limang-libumpiso, reklamo niya sa isip pero next time na ang pagsabog ng ating bidang ama. Pinakuha naman niya naman sa batang babae ang cutter box upang mabuksan ang parcel. Tila excited at ngiting-ngiti na para bang di mapakali si Chloey. Kung sa magiging reaksyon niya ba sa damit, sa presyo or iba pa, walang ideya si Chanyeol. "Tatay, ang tagal mo namang buksan yung box di na po ako mapakali!"
"Tigilan moko Chloey, akala mo tapos na tayo?
Grabe, mahigit kalahating buwan din natin yung pang-grocery sa mahal ng damit!"
"Tatay 'wag mo na po akong pagalitan kasi alam ko naman na ma-eenjoy mo din po yung costume. Baka paglaki ko din po, magagamit ko rin yan hahaha eme."
"Aba't—"
"Hala nakikita ko na po tatay yung laman."
Manghang-mangha at kumikinang ang mata ng batang babae habang si Chanyeol naman ay hindi maipinta ang expression ng kanyang mukha. Tila sasabog na lamang siya dahil…
"Hangkyuut! Tatay bagay na bagay talaga sayo yung costume mo. Sabi ko na nga ba hindi pumalya ang mata ko." Sa isip-isip ni Chanyeol, iniisip niya na ang mga magiging reaksyon ng mga kapwa kasamahan niya once makita siya sa ganitong costume. Para gusto tuloy nalang bumack-out ni tatay Park at hindi na umattend ng Christmas party pero hinihintay kasi siya ng mga kasama at syempre 'pag hindi siya pumunta, masasayang ang four-five K niyang gastos sa damit na pinili ng kanyang anak.
Isang factor na din na malulungkot ang kanyang dalaga kung ipagpapaliban ang party. Bilang ama, syempre ayaw niya din na makita ang kanyang anak na hindi masaya kaya kakainin niya ang pride para lang maging masaya si Chloey.
Jusko Park Chanyeol, best tatay award receiver talaga ahuhu.
"Chanyeol?" Baekhyun asked as he saw the tall IT's costume. To be fair, it really looked…
"Nakakahiya di ba? Pasensya na po sir. Byun, yung anak ko po kasi di ko po kasi nakita yung costume na binili since pinagbawalan din ako na tumingin sa cellphone niya," Ahhh… gets niya na.
"May mapapagalitan talaga mamaya." Bulong ng matangkad.
"No!" said Baekhyun that he didn't need to scold his child since even his own was a literal piece of trouble. "Mga unica hijas kase. Even my daughter is. My wi— sorry, ex-wife din kasi. She was a spoiled brat and I guess she got it from her Mom.
Even her grandparents spoil her too much kaya siguro pampered at di masabihan sa isang salita." Baekhyun couldn't face the tall man because his face is starting to turn like a red tomato. "Also…" words couldn't form in his mouth. He was a stuttering mess that he didn't realize that Chanyeol was still there waiting for whatever he wanted to add.
"You look…good there as well. Bagay sayo yung costume."
……
Si Chanyeol naman yung naging stuttering mess. His face was red too and Baekhyun didn't know if he'd said something wrong and apologized for his sudden words. The tall guy shook his head, saying that he didn't say anything bad but rather shocked and didn't expect the answer Baekhyun would say.
More reasons for Baekhyun to wish that he should've been swallowed by the Earth already.
Chanyeol looked into the art director's appearance as well. He was also wearing a onesie tiger costume with matching whiskers pa nga. His button nose was painted in black courtesy of Jongdae for insisting on having the look.
And speaking of Jongdae…
"Hello mga badeng! Uy si Baek— oh my god, loves tignan mo oh, si badeng kasama si Chanyeol." The voice echoed in the entire hallway as two new figures came in. Said two persons were also wearing onesies costumes: the one with the megaphone voice — Jongdae is wearing a green dinosaur while the other one is the famous bear from that famous cartoon: a PANDA onesie.
Chanyeol greeted the new guests. "Sir. Jongdae, Sir. Minseok. Good Evening at Merry Christmas po."
"Happy Holidays, Jongdae and Kuya Min." tipid naman na bati ni Baekhyun. Jongdae or Chen thanked them back, wishing them a good holiday as well. Chen's face was too obvious that he was giddy and kinikilig but is trying to contain himself because he doesn't want Chanyeol to think he is weird aside from the office gossip. Charaught! "Oh loves, dito ka muna ah. Kuha lang ako ng drinks natin tapos hanap na din kayo ng pwesto natin.
Ah, Chanyeol, why don't you come with me na din para makapag-usap ang dalawang mag-bestfriend. Kanina pa kasi ako naririndi sa loves ko na namimiss na niya daw ang bff niya."
"Kim Minseok ah!"
"Joke lang, loves. Eto naman sige na, hiramin ko muna itong si Chanyeol ah."
When the two have left, Jongdae's face cannot contain the giddiness and he was itching to ask the question. "So badeng…" He was cut off by Baekhyun denying the speculations that:
- no, Chanyeol didn't invite him to have the same costume
- no, he also didn't why he was being embarrassed and shy about the tall guy, and finally
- Chanyeol did not ask him for a date
"Grabe naman badeng. I only wanted to ask if natikman mo na yung mga pagkain dito sa party but sure, I'll just pretend that I did not hear you panicking about Mr. Park Chanyeol."
!!!
Nautakan siya ni Jongdae dun and those words came from his mouth to be specific. Wala na siyang kawala. "Oh god, Jongdae, I swear to God, we didn't agree to have a matchy costume." Baekhyun corrected his mistakes but it was already too late. The other small friend chuckled saying he shouldn't be making a big deal and understood the situation which leads Baekhyun to ask as well about their; him and kuya Min's costume. Jongdae explained that they saw this cosplay costume while they were browsing on the internet to have some spicy costumes that may have been when doing some explicit content ('TMI Jongdae! I don't need to know yours and kuya Min's sex life oh God.', 'Hay nako, inggit ka lang kasi wala na kasing kumakarat sayo — ay oo nga pala, ikaw YUNG kumakarat — Aray ko! Beshiemae, nasasaktan nako sayo ah.') so they decided to buy and use it for the Christmas party.
"Well, at least di ka na OP kasi may kasama ka na sa kahihiyan eme." The small director just agreed saying thank you.
A few minutes passed and the emcee started to open the program. Everyone raised their glasses. There was an opening remark from the CEO of the company saying gratitude to the employees and the never-ending support from the families, friends, and even co-employees. The food started to come, with an appetizer first, then main course, and finally some dessert aka ice cream with a touch of kaburgisan.
Hope all, di ba? Charing.
Minseok, Jongdae, him and Chanyeol were in one seat and Baekhyun could tell that the two lovers were giddy in their seats. Looking at them na para bang inasinan na bulate. The art director shush the best friend but to no avail and the kantyawan continued. “Nako ikaw talaga, Mr. Art Director, dapat kasi naghahanap ka narin ng magpapasaya sayo, di ba, Chanyeol?” Said Chanyeol replied with a “Hah?” sipping the creamy soup on his own bowl - apologizing to Jongdae because he didn’t heard the HR manager. Minseok jokingly said not to answer his lover’s question. Okay?
The evening was long, but the main event, of course, was the raffle and they were hoping that they can win the prizes ie. an all-paid express trip to Europe, high-end spec gaming computer, refrigerator, game consoles, etc. Everyone had their eyes on something; Baekhyun is eyeing the gaming computer while Chanyeol’s for the all-paid expense trip. This will be a good gift and a relaxation for him and his daughter. Para naman magkaroon ng bonding moment sila ng kanyang anak. Malapit na din kasing matapos ang Christmas vacation ng kanyang anak kaya worth it talaga yun.
Sinimulan with the consolation prizes; twenty-winners of five-thousand pesos; special prizes; two-week paid leave — without sacrificing your earned paid leave credits! Nice prize if to be honest and this will benefit everyone because who wants to leave.
The one who won was none other than the Kim lovers. Chanyeol and Baekhyun jokingly said that the winners was ‘luto’, even the crowd laughed. “Pabagsakin! Pabagsakin!” Everyone chanted but Jongdae rebutted that “‘Hmmp! Sorry kayo pero we won, fair and square, lokaret kayo.”
“‘Sir Jongdae ammaccana, lagi mo na ngang kasama si Sir Minseok tapos magkasama pa kayo ulit sa prizes? Hustisya! Hustisya!"
"Bwisit 'tong mga lokaret kayo. What if di bigyan ko kayo lahat ng dispute sa salary niyo ano? Charot."
"Hay nako, babe. Nagsisimula ka na naman ehh."
"Ehh kasi naman babe 'di naman luto 'yong panalo natin ehhh *pouts*."
"My god, Kim Jongdae. Get a room na!"
The winner continued as well with another winner of the special prize and was won by Chanyeol's fellow IT guy; Zhang Yixing, thanking everyone for the blessing and told that he will use the off-vacation to gain more sleep hours. The whole crowd went wild with his answer.
Chanyeol and Baekhyun were still seated in their place. Food still continued to be served to the attendees. This is Chanyeol's third refill of the creamy soup kasi 'first time niya daw maka-higop ng ganitong kasarap na sabaw'. Nahihiya man siya sa kasama kasi baka sabihin na walang manners at di-afford ni Chanyeol ito which is the opposite kasi kayang-kaya niyang kumain sa ganitong kamahal na restaurant pero mas priority niya ang kanyang anak at ang basic commodities.
Dapat kasama niya si Chloey pero hindi kasi siya nakabili ng costume ng anak tsaka ayaw niya ng sakit sa ulo since troublemaker ang anak. Mahirap na baka mahirapan akong hagilapin siya, sabi niya sa isip nang 'di niya napansin na tinatapik na pala siya ni sir. Baekhyun.
The soft hem of the director's costume felt a tickle on Chanyeol's skin that he realized that they were still wearing the animal onesies.
Said person asked why he was not joining his other friends in having fun. Baekhyun points at the group of IT employees encircling the liquor aisle — drinking every alcohol that the bartenders will place. Chanyeol turned towards the same direction and saw his fellow IT people wasted and already drinking till their heart's content.
They were in their own little that they did not realize they were being called on the stage for winning in the raffle.
Si Jongdae ang nagtapik (kakabalik lang nila sa kanilang upuan nang i-announced ang pangalan ng kanyang bestfriend at ni ka-talking stage Chanyeol). "Badeng! Kanina pa kayo nila Chanyeol tinatawag sa stage ano, patay malisya langs?" Nagulantang ang dalawa sa sinabi ni Jongdae at dali-daling tumakbo papuntang stage.
The Kim couple followed their gazes towards Chanyeol and Baekhyun which was a little startled at first but a loud "Putangina!!!" came from the tall IT guy as he was presented with the envelope that he won the all-paid expense trip to Europe for two and Baekhyun for the gaming computer.
Everyone cheered, some were saying "Sana al!" but nonetheless congratulated them because they deserved it. Baekhyun screamed at his lungs for Jongdae to take a picture of them and he did. He ran towards the stage area with Minseok following suit. The HR manager prepared to take the photo and ushered them to get closer — with their prizes together. "Okay! 1, 2, 3."
Click!
He checked the shot and asked for another one. Click! Baekhyun thanked him for the photo op and continued giving thanks towards the hosts and the fellow employees. Minseok came closer to his man as he was busy checking his phone. "Hay nako, ang cute parin talaga till now. After ten years, I still believe na silang dalawa ang magkakatuluyan." Said Jongdae.
He was busy looking at photos of Chanyeol and Baekhyun and remembered a cute memory from the past. Minseok agreed because the shot was similarly identical to the one photo that he took many years ago.
It was a vague memory but Jongdae remembers it like it was yesterday.
"Babe, hayaan mo sila. Let them realize their own feelings with each other kasi hanggang guidance lang naman ang maibibigay natin sa kanila."
"I know babe, hoping naman na ChanBaek is real na, echoz lungs."
"Patience babe. Patience."
