Work Text:
Litong lito na si Jaeyun dahil sa dami ng nangyayari sa buhay niya ngayon. Hindi niya matukoy kung bakit hindi niya makuhang iperpekto ang eskulturang ginagawa niya ngayon. Hindi rin siya nakapasa sa student-exchange program na kanyang inapplyan papunta sana sa Italy. Nakipagbalikan na naman ang nanay niya sa nobyo nitong wala namang ginawa kundi humuthot ng pera. At ang presensya mismo ni Park Sunghoon na labis nang ginugulo ang isipan niya.
Gusto munang kumawala ni Jaeyun sa lahat ng ito kaya’t napagdesisyunan niyang bumisita muna sa tiyahin niya na nakatira sa Laguna. Dito, ramdam niyang babalik siya sa pagkabata na para bang wala nang iisiping hirap. Dito, ramdam niyang babalik siya sa tahanan na siyang kumupkop sa kanya noong maliit pa siya. At dito, ramdam niyang makakahinga siya nang maluwag, malayo sa mga bagay na ayaw niya munang isipin sa ngayon.
Sinalubong si Jaeyun ng tiyahin niya sa may gate nang marinig nito ang paghinto ng tricycle. Binaba na ni Jaeyun ang dalawang bagahe at ang gitara na kanyang dala pauwi. Napalingon naman siya nang marinig niya ang sigaw at kaluskos ng takbo na nanggaling sa loob ng bahay, kaya’t natawa siya rito.
“Jaeyun!”
“Kuya Jaeyun ko!”
Nagbayad muna si Jaeyun bago makaalis ang tricycle sabay sinalubong siya ng kanyang tiyahin at ng pinsan niyang si Riki na ipinulupot siya sa mahigpit na yakap. “Miss ko na po kayo, Tita at Riks,” mahinang sabi niya nang yakapin niya ito pabalik.
“Oh siya,” panimula ng Tita niya. “Pumasok muna tayo at sa loob na magkwentuhan. Riki, tulungan mo ang Kuya Jaeyun mo nang makakain na tayo ng pananghalian, ha?” Bilin nito at tsaka kinuha ni Riki ang isang bag mula kay Jaeyun. “Opo, Ma! Hawak ko na nga eh!” Inakbayan naman ni Jaeyun ang nakababata bago sila pumasok sa bahay para mag-ayos.
Matapos nilang mananghalian at magkwentuhan, tinulungan naman ni Riki na dalhin si Jaeyun sa kwartong tinutuluyan nito, mula noon pa mang nagbabakasyon siya rito. Nakakamiss ngang balik-balikan ang mga alaala nila tuwing sila’y naglalaro at nagbobonding sa kwartong ito. Namiss din ni Jaeyun na magkaroon ng kasa-kasama, at si Riki na parang buntot lamang noon ay biglang tangkad na rin ngayon. Mukhang effective nga ata ang pagpapainom ng Cherifer ni Tita kaya pati siya, nalagpasan na.
Kasalukuyang nag-aayos si Jaeyun ng mga damit at nilalagay ito sa cabinet habang si Riki ay nakahiga sa may kama at nagkukwento at nagtatanong ng kung anu-ano kay Jaeyun. Hindi pa rin mawala ang pagiging madaldal ng pinsan niya’t parang kapatid na rin ang turingan nila sa isa’t isa.
Napag-usapan nila halos lahat ng bagay. Ilang taon ba namang hindi nakauwi si Jaeyun at dahil parehas din silang busy sa pag-aaral, bihira na lang din sila makapagchat ni Riki. Nagpapalitan lang sila ng mensahe ang nakababata tuwing may okasyon, o kapag may itatanong sila sa isa’t isa, kaya nakakatuwang tignan na para bang kahapon lang ang huling kita nila at close na close pa rin silang dalawa.
“Kuya, mabanggit ko lang pala,” napalingon naman si Jaeyun kay Riki habang patapos na siya sa pag-aayos ng gamit. “Naaalala mo pa ba si Kuya Jongseong?
Jongseong? Ah… Si Jongseong… Si Park Jongseong, isa sa mga naging kababata’t kalaro ni Jaeyun dito sa Laguna.
Mula elementary hanggang high school, nagbabakasyon si Jaeyun rito kapag summer at isa si Jay sa nakilala nito dahil bukod sa magka-edad sila, pinagmamalaki rin ito ni Riki sa kanya dahil sa galing daw magbasketball. Kaya sino ba namang makakalimot sa isang Park Jongseong na minsan na ring bumihag sa inosenteng puso ni Jaeyun.
“Ah… Oo naman. Friends pa rin naman kami sa FB at IG. Bakit, Riks?” Nagtatakang tanong ni Jaeyun nang maupo siya sa tabi ni Riki habang busy naman ito sa pagse-cellphone. Pinakita ni Riki ang screen nitong nakabungad ang litrato ni Jongseong na mukhang kakabalik lang din ng Laguna. Alam niyang nangibang bansa ito para bisitahin ang mga magulang. Pagkakataon din nga naman. Alam din naman ni Riki na naging crush niya si Jongseong kaya naman tinutukso nito ang pinsan habang napapairap na lang si Jaeyun habang nagtatawanan sila. Sa sandaling iyon, tila ba nawala na sa isip ni Jaeyun ang mga nagpapabagabag sa isip niya’t gusto na lang niya i-enjoy ang bakasyon dito.
Mag-dadalawang linggo na ring nagsstay si Jaeyun dito at halos malibot na nila ni Riki ang buong Laguna. May ilang beses na rin nilang nakakasalubong si Jongseong na puro ngiti at bati lamang ang palitan nila. Naiintindihan niyang nakikipag-catch up din siguro ito sa mga kamag-anak dito kaya naman laking gulat niya na lang din nang makatanggap siya ng text mula rito.
From: Jongseong
Jaeyun?
Ito pa rin ba number mo? Si Jongseong ‘to. :)
Been seeing you around with Riki, haha. Hang out tayo when you’re free?
Hintayin ko reply mo. See you around! :)
Napangiti naman si Jaeyun kasi naalala pa siya ni Jongseong. Tila ba hindi pa rin ito nakakalimot, parang dati lang. Nakilala ni Jaeyun si Jongseong bilang isang thoughtful na kaibigan kaya labis na lamang ang kasiyahan niya nang makita ang pangalan nito sa cellphone niya. Bukod siguro sa kadahilanang may paghanga siya dati rito. Nagreply din agad si Jaeyun dahil gusto niya rin namang makipagkumustahan rito.
To: Jongseong
Hi, Seong! Sige, free naman ako bukas. Doon ba ulit sa usual? Hahaha! Text text na lang ha! :D
Isang mensahe lang ang pinadala niya ngunit ramdam niya ang ligaya at kaba na naghahalo sa dibdib niya, na naging rason naman ng maghapong pagngiti niya kaya’t pinauulanan siya ng asar ng kanyang tiyahin at ni Riki. “Hindi na nga ako sasama, Kuya. Para naman may babe time kayo,” dagdag nito. “Mga natututunan mo talaga eh!” Pahabol ng tiyahin niya bago batukan nang mahina si Riki. Tila ba hindi mapakali si Jaeyun at hanggang sa gabi ay iniisip niya ito. Kahit anong pilit niyang ‘wag isipin, hindi maalis ang laki ng ngiti niya hanggang sa pagtulog.
Pinilit ni Jaeyun na magpasama kay Riki sa dalawang dahilan. Una, baka daw maligaw siya pabalik at pangalawa, hindi niya alam kung anong sasabihin kung sila lang dalawa ni Jongseong ang magkasama. Natatawa na lamang ang pinsan niya’t pumayag sa hiling nito. Ayaw na lang din asarin lalo ni Riki kaya hindi na niya tinanong kung bakit.
Pagsapit ng hapon, nag-ayos na ang dalawa’t bago magpaalam sa tiyahin nito na aalis muna. Nag-abang ang dalawa ng sasakyang jeep at tila labis na kinabahan si Jaeyun nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Jongseong.
From: Jongseong
Hi, Jaeyun! Just got here sa guesthouse.
Dito lang din sa dati. Don’t rush, okay?
Ingat sa biyahe, Yunie! :)
Napansin naman ni Riki na hindi mapakali ang Kuya Jaeyun niya kakabukas at sara ng cellphone nito, at ang unusual din ng laki ng ngiti nito. Nakita naman niya kung anong nasa phone nito nang i-open ni Jaeyun muli kaya naman siniko nang mahina ni Riki ang nakatatanda. “Kung ako sa’yo, Kuya, nireplyan ko na ‘yang si Kuya Jongseong. Baka naghihintay ng reply mo eh.” Bulong ni Riki habang kunwaring may tinignan sa cellphone niya. Nagulat naman si Jaeyun sa pagpaparinig ng bata kaya naman napagdesisyunan niya na ring sagutin ito.
To: Jongseong
Salamat! Papunta na kami ni Riki hehe.
Ingat din, Seongie! :)
Nakarating na rin sila Jaeyun sa guesthouse nila Jongseong. Nakakapanibago kasi halos marami na ring naiba sa itsura nito kahit ilang taon pa lang naman niya ito hindi nabibisita. Hindi naman matigil si Riki sa kakakuha ng litrato kaya’t hinayaan niya muna bago niya kuhanin ang cellphone para magpadala ng mensahe kay Jongseong.
Nanatili lang siyang nakatayo sa isang gilid habang abala sa cellphone nang may maramdaman siyang kumalabit sa kanyang balikat. “Saglit lang, Riki,” sabi niya pero kinalabit siya muli nito kaya’t napalingon na siya sa likuran niya at nakita niya si Jongseong na tahimik at nakangiti sa kanya.
“Seongie!” Agad namang napayakap si Jaeyun kay Jongseong na ikinagulat ng isa pero binalik din ito, nang mas mahigpit pa. Parang kahapon lang din nung huli silang nagkausap, kahit na hindi na rin sila gaanong nagpapalitan ng mensahe simula noong magpunta si Jaeyun ng Manila, lalo na ng lumipad si Jongseong papuntang Amerika. Tila ba may mga sariling mundo na silang ginagalawan. Ngunit ngayon, parang walang kakaiba sa kanilang dalawa ngayon. Na sila pa rin ang Jaeyun at Jongseong na matalik na magkaibigan.
“Yunie,” sambit ni Jongseong nang humiwalay muna sila sa pagkakayakap sa isa’t isa habang naglalakad sa guesthouse. Namiss ito ni Jaeyun, ang presensya ni Jongseong. Isa kasi si Jongseong sa mga kakaunting tao, tulad ng kanyang tiyahin at ni Riki, na naiintindihan siya kahit pakiramdam niya ay kalaban niya ang buong mundo.
Ramdam din naman ni Jongseong ito kaya’t siya muna ang nagkukwento ng mga nangyari sa kanya sa ilang taong nagkawalay sila. Ayaw niyang manghimasok sa isipan ni Jaeyun at handa siyang maghintay sa oras na magkuwento man ito sa kanya.
Habang naglilibot si Riki kakakuha ng iba’t ibang bagay, pansin niyang naupo sa isang tabi ang dalawa kaya’t palihim niya itong kinuhanan ng litrato bago niya ipinagpatuloy ang pag-iikot.
Patuloy lang din ang dalawa sa pagcatch up at hindi na rin nila napansin ang pagtakbo ng oras, pagdilim ng maliwanag na langit, at unti-unting pagdating ng ibang tao sa paligid nila. Sa ilang oras na pag-uusap nila ni Jongseong, pakiramdam ni Jaeyun na parang hindi naman sila nagkawalay. Ganoon pa rin ito, siya pa rin ang Jongseong na kinatutuwaan ng lahat dahil sa likas na kabutihan sa puso. At iyon ang isa sa mga rason kung bakit niya ito hinahangaan.
Kaso ngayon, marami pa ring gumugulo sa isipan ni Jaeyun at binabagabag siya nito. Ayaw niya naman ipahalata kay Jongseong dahil kakabalik lang nila parehas sa lugar na itinuturing nilang ‘safe place’ at ayaw niya sirain ang mood ng gabing iyon. Kaya naman sinadya muna niyang kalimutan ito at enjoyin na lamang ang bakasyon nang walang problemang iniisip.
Kasalukuyang nagddrive si Heeseung papuntang Laguna kasama ang magkasintahang Sunoo at Jungwon (na naglalampungan sa backseat) at tahimik na si Sunghoon. Biglaan lang din ang naging plano nang maisipan niyang sorpresahin si Jake dahil palagi nitong binibida ang probinsya sa kanila. Gulat na lang din ni Heeseung nang biglang pumayag si Sunghoon pagkatext niya rito.
Alam naman nilang may kung ano mang namamagitan kay Jake at Sunghoon, pero bilang kaibigan, ayaw na lang din nila magsalita kapag hindi naman hinihingi ang opinyon nila. Pero sa ilang beses na nakausap ni Heeseung si Jaeyun, tila ba tikom ang bibig nito sa nangyayari sa kanila. Madali nilang malaman kapag okay sila o hindi base sa kung paano makitungo ang dalawa sa kanila. Lalo na nitong ilang linggo bago magbakasyon, pansin niyang mailap ang dalawa sa isa’t isa. Hindi sila sigurado kung dahil ba ito sa pending project ni Sunghoon, sa hindi pagkapasa ni Jaeyun sa inapplyan na program, o dahil sa relasyon nilang dalawa.
Wala na lang magawa si Heeseung kundi hintayin ang mga kaibigan para malaman kung paano man sila tutulungan. Eh ayun na lang kung gugustuhin nga ba ng dalawa na magpatulong.
Bandang hapon na rin sila nakaalis mula Manila kaya’t mag-aala sais na sila nakarating sa Laguna. Madilim dilim na rin. Buti na lang at naisipan ni Jungwon na maghanap muna ng tutuluyan dahil hindi naman gugustuhin ni Heeseung na magpabalik balik dahil nakakapagod ding magmaneho sa biyahe, kaya naman binigay ni Jungwon ang cellphone niya para masundan ni Heeseung sa mapa ang lugar na pagtutuluyan nila. Matapos nito ay hinatak siyang muli ni Sunoo para yakapin nang parang linta. Tinuro naman ni Sunoo ang tahimik na si Sunghoon sa nobyo at napakibit balikat na lamang si Jungwon dahil hindi naman nila magugulo ang kaibigan sa katahimikan nito.
Narating na rin ni Heeseung ang guesthouse na pagtutuluyan nilang magkakaibigan. Nasabi ni Sunoo na baka bukas na lang nila puntahan si Jake para naman makapagpahinga na rin muna sila’t nakakapagod pa rin ang tatlong oras na biyahe. Bumaba na si Heeseung, kasama sina Jungwon at Sunoo na kinuha ang ilang mga bag sa compartment ng kotse. Kasunod nila si Sunghoon na wala pa ring binabanggit na salita magmula noong bumiyahe sila.
Hinahanap na ng magkasintahan ang lobby nang may makasalubong silang mukhang lokal na naman sa lugar rito. “Excuse me po, pwede po bang magtanong?” Panimula ni Sunoo matapos niyang kalabitin ang isang matangkad na lalaki. Humarap naman ito sa kanila at biglang sumagot, “Nagtatanong na po kayo eh.” Natawa naman si Jungwon sa sagot nito at tila ba muntik nang mainis si Sunoo kaya pinisil na lang niya ang kamay ng nobyo. “Joke lang po, hehe. Ano po ‘yun?” dagdag naman nito, at si Jungwon na ang nagtanong. “Saan po ba ‘yung lobby dito ng guesthouse? Magccheck in po kasi kami,” magalang na tanong ni Jungwon. “Ay dito po, sunod na lang kayo sa akin!” Balik nito kaya natuwa naman na ulit si Sunoo, habang sina Heeseung at Sunghoon ay sumunod na sa tatlo.
“Kuya Jongseong!” Sigaw ni Riki na pumukaw sa atensyon ng dalawa. Napatingin naman sina Jaeyun at Jongseong kay Riki na may kasunod na grupo ng mga tao. “Ayan ata ‘yung isang magcheck in ngayon, Yunie. Binilin ‘to kanina sa akin ng Manager eh,” sagot ni Jongseong habang kumaway pabalik kay Riki at napatango na lang si Jaeyun.
Gulat naman si Jaeyun nang makita niya ang grupong nakasunod kay Riki ay mga pamilyar na mukha. Napapapikit pa siya para siguraduhing tama naman ang nakikita niya.
Napatili naman si Sunoo nang makita niya si Jaeyun kaya’t bumitaw muna ito sa nobyo habang tumatakbo papunta kay Jaeyun. “Hoy, putangina mo, Jake! Nandito ka pala!”
Hindi makakibo si Jaeyun sa gulat nang makita niya ang mga kaibigan dito sa Laguna dahil ni isa, kahit si Sunoo na halos araw-araw niyang kausap, ay wala man lang din nasabi. Matapos ang ilang segundong pagpoproseso, niyakap na rin pabalik ni Jaeyun si Sunoo at tsaka sumunod si Jungwon at Heeseung para batiin siya.
Kitang kita niya na nakatayo si Sunghoon sa likod at nananahimik, ngunit ang mga mata ay sa kanya lamang ang tingin kaya iniwasan niya muna ito nang batiin ang dalawa. Humiwalay naman na sila matapos ang ilang segundo.
“Anong meron? Bakit kayo napadpad dito sa Laguna?” Tanong ni Jaeyun habang nakayakap pa rin si Sunoo sa may tagiliran niya. Ganoon na lamang ka-clingy ito kaya’t hinayaan muna siya ni Jungwon na manatili doon.
“Surprise kasi, beh! Dapat nga bukas ka pa namin huhuntingin kaso andito ka pala.” Sagot ni Sunoo na mas hinigpitan pa ang yakap dahil halos ilang linggo na rin silang hindi nagkikita buhat nang umuwi siya. Napangiti naman si Jaeyun kasi namiss niya ang mga ito kahit papano.
Nakita niya namang nanahimik na rin sina Riki at Jongseong na tila ba gulong gulo sa pangyayari kaya pinakilala niya ang mga ito sa isa’t isa.
“Riki, pinsan ko, then Seongie一I mean Jongseong, my friend, then classmates ko pala… Sunoo, Jungwon, Heeseung, and Sunghoon,” sabi ni Jaeyun habang nagpapalitan ang mga ito ng ngiti at kaway maliban kay Sunghoon. Napansin naman ito ni Riki pero hindi na lamang siya nagsalita patungkol rito at tsaka humarap kay Jongseong.
“Kuya, sila pala ‘yung magche-check in daw,” natuon naman ang pansin nila. “Kayo po si Mr. Jay Park?” Tanong naman ni Jungwon at tumango si Jongseong. Tinapik naman nito si Jaeyun, “Wait lang, Yunie. Tulungan ko muna sila ha?” Sabi ni Jongseong bago pumunta sa may concierge at sinundan ito nila Jungwon at Heeseung.
Nakipagkuwentuhan naman si Jaeyun kay Sunoo at ipinakilala ulit si Riki rito. Kahit na subukan niyang huwag mag-isip, hindi niya mapigilan lalo na kung nandyan si Sunghoon at hindi maalis ang tingin sa kanya nito. Nakakaramdam ng hindi magandang pakiramdam si Jaeyun pero gusto na niyang alisin ito sa isip niya kaya’t binabalak din naman niyang kausapin ito, lalo na nandito rin naman si Sunghoon ngayon.
Napagdesisyunan nilang sabay-sabay na magdinner at nag-offer naman si Jongseong na doon na lang sila kumain sa may shared dining room at may mga pagkain din naman dito sa guesthouse nila. Naexcite naman si Sunoo dahil isa meron ditong grilling stove at nagpresenta naman si Heeseung at Riki na siya na ang totoka sa pagluluto. Tumulong na rin sina Jaeyun at Jungwon sa pag-aayos ng hapagkainan. Habang naglalagay ng plato si Jaeyun sa mesa, pansin niyang tahimik na tumutulong si Sunghoon kila Heeseung kaya hinayaan na lang muna niya. Makakapaghintay naman ‘yung sa kanila.
Matapos ang pag-aayos at pagluluto, nagsimula na silang kumain habang nagkukwentuhan. Hindi naman makuhang kumain ni Jaeyun nang maayos at mas inaasikaso na lang niya ang tropa. Hindi rin maalis sa isipan niya ang mga tingin na binibigay ni Sunghoon ngayon. Mas nakakalunod. Mas nakakalambot. Tila ba gustong magsumigaw ng kalooban niya para mailabas ang lahat ng emosyong nararamdaman niya ngayon. Pero hindi pa niya magawa dahil tinatantya niya pa si Sunghoon. Masyado itong mahirap basahin. Na kahit alam niya kung saan ang mga parte sa katawan nito na tiyak makakapagpasabi ng pangalan niya sa paraang gusto niyang marinig, may parte pa rin si Sunghoon na gusto pang kilalanin ni Jaeyun.
Sa ngayon, masaya silang nagsasalo-salo ng hapunan nang i-excuse ni Jaeyun ang sarili niya. Magbabanyo lamang ito at ipagpapaalam na rin niya sila ni Riki na hindi muna uuwi dahil niyaya na rin siya ni Jongseong na doon na magstay, na sinuportahan naman ni Sunoo sapagkat miss na miss na daw siya. Tumayo na siya’t nagsimulang maglakad papasok sa loob ng guesthouse habang kinakalikot ang cellphone nang magpadala na siya ng mensahe sa kanyang tiyahin.
Tahimik naman siyang sinundan ni Sunghoon. Pansin ito ng iba, lalo na ni Jongseong ang katahimikan nito kanina pa. Pero dahil kakakilala lang nila, ayaw niya namang maging bastos, lalo na kay Jaeyun. Regardless of whatever relationship they have, labas si Jongseong doon at nirerespeto niya ‘yon. Hinayaan na lang din ng iba iyon at nagpatuloy na lang sa pakikipagkuwentuhan, habang ang mga mata ni Jongseong ay nakasunod sa pigura ni Sunghoon na papasok din sa loob at nakasunod kay Jaeyun.
Dumiretso si Jaeyun sa may lababo at naghilamos naman ito ng mukha. Gusto niyang gisingin muna ang isip at kaluluwa niya sa dami ng iniisip niya. Hindi naman sa tinataguan niya ang mga kaibigan (at si Sunghoon), pero hindi pa rin niya inaasahan. Ngunit wala na siyang magagawa, nandito na sila, at kailangan niya lang ng panandaliang oras para ihanda ang sarili niya, dahil alam naman niyang kailangan na nila mag-usap ni Sunghoon. Now or never , ika nga nila. Kung patatagalin pa ito, baka mas lalong hindi pa sila magkaintindihan.
“Jae…” Gulat. Iyan ang unang naramdaman ni Jaeyun nang palibutan siya ng mahigpit na yakap. Hindi pa man niya nakikita, alam niya kung kaninong boses at kabisado niya ang pagkakabalot ng bisig nito sa katawan niya. Si Sunghoon, na hindi man lang siya pinatapos maghilamos, kinulong siya agad nito sa isang yakap. Napasinghap si Jaeyun matapos hilamusan ang sarili. Tinitignan niya ang sarili sa salamin, at si Sunghoon na malungkot ang itsura habang nakapatong ang ulo nito sa may balikat niya. Oo, namiss niya ito pero tama bang unahin ang kabog ng dibdib niya sa lahat ng mga bagay na gusto niyang sabihin dito? Hindi na rin niya alam.
Mas lumapit at hinigpitan ito ni Sunghoon, tila ito lang ata ang paraang alam nito kung paano sabihin ang mga bagay kapalit sa hindi pag-imik nito kanina. Hinawakan naman ni Jaeyun ang braso nito at pinisil. “I’ve missed you,” pahabol nito. Rinig na rinig niya ang malamig na boses ni Sunghoon malapit sa kanyang tenga. Hindi niya maitatanggi na gusto na rin niyang yakapin pabalik si Sunghoon, lalo na’t para bang nilalambing siya nito, kapalit ng ilang linggong hindi nila pag-uusap.
Hinarap niya si Sunghoon at binalot naman nito ang mga pisngi niya habang hinila siya papalapit. Nagtagpo ang kanilang labi na para bang may sarili itong utak. Na para bang inukit ang mga ito para sa isa’t isa. Tila ba nawala ang lahat ng gustong sabihin ni Jaeyun nang balutin siya ni Sunghoon papalapit sa kanya at ipadama ang lahat ng pigil na salita gamit ang mga halik na kanyang labis na hinahanap hanap. Nakakapanlambot ng tuhod. Nakakahilo. Nakakaduwal. Nakakasikip ng damdamin. Pero hindi niya mapigilang hindi halikan pabalik si Sunghoon. Gusto niyang ipabatid muna sa ngayon ang lahat ng nararamdaman niya sa paraang nagtatagpo sila. Ang hiling lang niya ay sana, nasa iisang pahina sila ngayon.
Ang hindi nila alam, may matang nakamasid pala sa kung ano mang pagtatagpo ang ginagawa nila ngayon. Hindi gustong manghimasok ni Jongseong dahil ramdam naman niyang may laman ang bawat tinginan nito sa isa’t isa, at hindi siya bulag. Hindi rin naman ipinahalata ni Jongseong ang presensya niya at iniwan na ang dalawa. Kahit na may lihim na paghanga siya kay Jaeyun, mula noon pa man, hindi rin naman agad ito mapapalitan ng taong kasa-kasama niya ngayon, na siyang nagbibigay ng nakakapasong halik kay Jaeyun. Siguro nga’y nahuli na siya, at wala naman siyang ibang masisi kundi ang sarili niya. At sa ngayon, iniwan na ni Jongseong ang pusong sugatan, kasabay ang paglakad niya papalayo mula sa pagkakatayuan niya kanina.
Naghahabulan sina Jaeyun at Sunghoon, bawat sunggab, bawat halik, bawat ungol na lumalabas sa kanilang mga bibig ay para bang nagsusuklian sila nito. Nilipat ni Sunghoon ang hawak sa bewang ni Jaeyun habang ito naman ay napabalot ng kanyang braso sa leeg nito at tsaka hinila lalo papalapit. Walang gustong magpatalo, walang gustong bumitaw. Uhaw na uhaw sila sa halik na kanilang binibigay, kahit na naghahabol sila ng hininga. Matapos ang ilang saglit, humiwalay muna si Jaeyun palayo kay Sunghoon, pero nilapat ang noo nito sa kanya habang parehas silang hinihingal. Walang nagsasalita pero yakap yakap lang nila ang isa’t isa. Pakiramdam ni Jaeyun na lahat ang gusto niyang sabihin ay nawala na naman dahil sa bugso ng damdamin. At sa ngayon, hindi niya alam ngunit gusto na lang niya munang magpadaloy sa agos ng kanyang emosyon, na kung saan si Sunghoon ang siyang alon na tumatangay sa kanya ngayon palayo sa kung saan man sila nanggaling.
Lagpas isang buwang hindi man lang nila nahagkan ang isa’t isa at tila ba ngayon nila binubuhos ang bawat oras at damdamin sa bagay na sila lamang ang may alam. Dali daling hinatak ni Sunghoon si Jaeyun papunta sa likod na parte ng guesthouse. Gabi na rin at patay na ang mga ilaw rito. Ngunit kahit gaano pa kadilim, kitang kita ni Sunghoon ang kagandahan ni Jaeyun sa ilalim ng maliwanag na buwan na siyang nagbibigay ilaw sa kanilang dalawa. Isinandal niya si Jaeyun sa may pader at binalikan nito ang mga labi na kanina pa niya hinahanap-hanap.
Hindi mawari ni Jaeyun kung tama pa nga ba ang ginagawa niya, pero wala na siyang marinig na iba, kundi si Sunghoon lang. Ang mahihinang ungol at paghinga nito sa kabila ng tunog ng kanilang paghahalikan na para bang walang bukas. Gusto na laman ni Jaeyun na magpalunod sa nararamdaman niya para kay Sunghoon. Na kahit anong mangyari, kahit masakit, kahit patuloy itong guguluhin ng isip niya一wala na siyang pakialam… sa ngayon.
Patuloy si Sunghoon sa pagsakop sa mga labi ni Jaeyun, habang hawak hawak ang mga pisngi nito na para bang isang babasaging pigura na dapat ingatan. Habang si Jaeyun naman ay mahigpit ang pagkakahawak sa may tagiliran ni Sunghoon, nakakuyom ang mga kamay na ginugusot ang damit nito. Hinayaan lamang ni Jaeyun na manguna si Sunghoon sa kung ano mang ginagawa nila. Tila ba iyon na ang nakasanayan nilang dalawa. At ayos lang din naman ito kay Jaeyun dahil kahit man lang sa paraan na iyon, maipakita niya kung gaano katindi ang nararamdaman niya para rito.
Ngunit sa panahong ito, gusto ni Jaeyun na iparamdam niya kung gaano kasidhi ang kanyang nagsusumigaw na damdamin kay Sunghoon. Kahit na malabo at walang kasiguraduhan, nawala sa isip niya ang takot. At ngayon, gusto niya itong ipakita kay Sunghoon nang hatakin niya papalapit ito at pagbaliktarin ang kanilang kinalalagyan. Si Sunghoon na ang nakasandal, at tila ba hinahabol ang mga uhaw na halik ni Jaeyun. Hindi namalayan ni Jaeyun na sinasabunutan na niya ang makakapal na buhok ni Sunghoon kaya’t napahatak na si Sunghoon sa balakang nito, mahigpit ang kapit at napakalapit sa isa’t isa.
Humiwalay muna si Jaeyun panandalian at nakipagtitigan ito kay Sunghoon. Tahimik, walang salitang binabanggit. Pero parehas nilang naiintindihan ang isa’t isa base sa kung paano mangusap ang kanilang mga mata. Iba ito sa tinginan na nasaksihan ni Jaeyun mula sa mga mata ni Sunghoon, simula pa nung una niya itong nakilala. Hindi niya maipaliwanag ngunit nagbigay ito ng panibagong paliwanag sa masidhing damdamin na kayang nadama. Sa ngayon, hindi siya sigurado, pero ayaw niya munang bigyang pansin. Ayaw niya munang busisain. Ang importante ngayon ay magkasama sila ni Sunghoon, at walang makapipigil sa kanilang dalawa.
Dahan dahang lumuhod si Jaeyun sa harapan ni Sunghoon habang ang isa’y hindi matigil sa paghaplos at paghatak ng buhok nito. Hinubad ni Jaeyun ang pang-ibaba ni Sunghoon, kitang kita ang naninigas na ari, na siyang binalot ng malamig na simoy ng hangin. Malalim ang titig ni Sunghoon sa abalang si Jaeyun na tanging pinagtutuunan ng pansin ay kung paano siya nito paliligayahin sa paraang silang dalawa lamang ang nakaalam. Pansin niyang kinakabahan ang isa kaya’t hinikayat niya ito na ituloy lamang ang ginagawa. Alam ni Sunghoon sa sarili niyang ibang ligaya ang naidudulot ni Jaeyun sa kanya, sa mga bagay na ginagawa nito sa kanya, at wala nang iba pang mas makahihigit pa rito. Tila nawala ang lahat ng tumatakbo sa isip nito nang maramdaman ni Sunghoon ang unti-unting pagbalot ng mainit na bibig ni Jaeyun sa kaniyang ari.
Gusto lamang makita ni Sunghoon si Jaeyun. Ayaw niya rin itong istorbohin, lalo na’t kung ayaw naman magpagambala ng isa. Ngunit hindi niya malaman kung bakit ang planadong pagbisita ay humantong sa kasalukuyan nilang sitwasyon, at ngayo’y unti-unti niyang tinitira ang bunganga nito. Magkaiba ang sinasabi ng isip at puso niya subalit hindi man lang niya ito pinakikinggan. Gusto lang niyang makita si Jaeyun, maramdaman si Jaeyun, at mapaligaya si Jaeyun, kahit lamang sa gabing ito. At sa ngayon, tuluyan nang hinayaan ni Sunghoon na pairalin ang init ng katawan, kahit na alam niyang isa na naman itong kagaguhan, at hindi ito ang nararapat na ibinibigay niya kay Jaeyun.
Pagkatapos ng ilang saglit, ibinalik ni Sunghoon ang atensyon kay Jaeyun na hingal na hingal sa pagsubo kanina’t siya naman ang nagpapaligaya sa binata. Pikit mata at pigil ang pag-ungol ni Jaeyun habang nakatuon lamang ang tingin ni Sunghoon sa kanya habang tuloy-tuloy lamang ito sa pagsubo. Malapit-lapit nang labasan si Jaeyun nang biglang tinigil ni Sunghoon ang ginagawa, na siyang nagpabitin sa isa. Magsasalita na dapat si Jaeyun nang biglang tumayo si Sunghoon at sinunggaban niya ang bibig para bigyan ng masidhing halik. Lasa ang pait at alat ng isa’t isa habang naglalaban ang dila ng dalawa, maibuhos lamang ang damdaming hindi masambit gamit ang mga salita. Habang abala si Sunghoon sa sabay na paghaplos sa kanilang mga ari na binabagtas ang kasukdulan, hindi na mapigilan ni Jaeyun na ipakawala ang mga impit na ungol palabas sa magkakabit na labi. Wala nang umiiral sa kanilang mga isipan kundi ang magtagpo sila sa iisang pahina sa paraang silang dalawa lamang ang nakakaintindi.
Tuluyan nang nilabasan si Jaeyun at agad na nasundan naman ito ni Sunghoon. Hingal na hingal ang dalawa habang isinandal ni Sunghoon ang ulo sa balikat ni Jaeyun habang nakatulala naman ito sa langit at tinatanong sa isipan kung tama nga bang nangyari ang mga ito.
Lumipas ang gabi na magkasama sina Jaeyun at Sunghoon. Tila ba kinutuban na ang magkakaibigan at hinayaan muna nila ang dalawa. Medyo nag-aalala pa nga si Riki pero inasikaso na lamang ito nina Sunoo at Jungwon habang sina Heeseung at Jongseong na ang nagligpit at nag-ayos ng mga pinagkainan.
Walang imik ang dalawa habang nananatili sa sasakyan ni Heeseung, yakap yakap ni Sunghoon si Jaeyun na tulala lamang sa paligid. Parehas silang walang saplot, tanging init ng katawan lamang ang humahagkan sa kanila kahit na bumabalot ang lamig ng hangin sa kanilang paligid. Mga ilang beses pang naulit ang pagsasalo nila ng halik, haplos, at kung ano pa man. Hindi mawari ni Jaeyun kung ano nga ba ang dapat niyang isipin o gawin matapos ang lahat ng ito, lalo na’t hindi rin matigil si Sunghoon sa pagpapak ng halik sa mukha’t katawan nito.
Ngunit sa kabila ng lahat, ni isang salita ay hindi man lang nasabi, at mas lalong gumugulo ito sa isipan ni Jaeyun dahil hindi niya malaman kung saan niya ilulugar ang sarili, lalo na sa buhay ni Sunghoon.
Dapat nag-usap. Dapat pinag-usapan. Ito na naman tayo. ‘Yan lang ang tanging umaandar sa isipan ni Jaeyun at halos hindi na niya nagalaw ang pagkain kaya’t alalang alala ang mga kaibigan, lalo na ang nakababatang pinsan nito sa kanya. Pero sa totoo lang, kung iisipin niya, lalo na’t may nangyari na naman kagabi, hindi pa pala siya handa. Lalo ngayon, maraming tao sa paligid nila, hindi niya alam kung paano dapat kumilos. Ayaw niyang mag-isip muna. Kaya nga siya umuwi ng probinsya, para makapag-isip-isip, pero hanggang dito ay hindi siya matahimik. Gusto niya munang umuwi sa bahay ng tiyahin at mapag-isa. Gusto niya munang huminga, nang walang gumugulo sa kanyang isipan.
Habang nanananghalian, nagpadala na rin ng mensahe ang ina ni Riki at pinapauwi na sila dahil pupunta ito sa karatig bayan at walang maiiwan sa bahay. Tahimik lang si Jaeyun nang nagpresenta si Jongseong na ihatid sila pauwi. Nagpaalam na rin ang mga kaibigan dahil hindi naman sila magtatagal talaga roon ng ilang araw. Nais lang nilang bisitahin si Jaeyun at tila ba tadhana na ang kumilos para mas mapabilis ito. Pero lintik na tadhana lang rin yata ang tanging sisisihin sa kung ano man ang mga nangyari sa mga oras na nakalipas.
Sinubukan man ni Sunghoon na kausapin si Jaeyun pero pansin niyang iniiwasan siyang kibuin nito matapos ang gabing pinagsaluhan, kaya naman hinayaan na lang niya muna ito. Hindi man lingid sa kaalaman ng iba kung ano nga ba ang tunay na nangyari kinagabihan, hindi rin naman bulag ang mga kasama nila para mapansin ang lamig at distanya ni Jaeyun kay Sunghoon. Ngunit ni isa sa kanila ay hindi na lamang kumibo tungkol rito.
“Jake, uwi na kami ah. Chat chat na lang, tagal pa ng bakasyon natin. Mamimiss kita agad,” paalam naman ni Sunoo sa kaibigan at tsaka sinundan ito ng tapik sa balikat ni Jungwon at ngiti mula kay Heeseung. “Thank you rin, pre!” Paalam ni Heeseung kay Jongseong na nginitian nito at si Riki naman ay nakiyakap rin kina Sunoo at Jungwon na para bang ilang taon na silang magkakakilala. “Balik kayo, mga kuya! Punta naman kayo sa’min next time!”
Kahit hindi man matignan ni Jaeyun sa mga mata si Sunghoon, alam niyang nasa kanya lamang ang mga tingin nito. Ramdam niya. Sobra. Hanggang sa makasakay ang mga ito sa sasakyan, tahimik lang si Sunghoon habang nakatutok ang titig nito kay Jaeyun hanggang sa maputol na ito nang makalayo-layo na ang sasakyan nila paalis ng guesthouse.
Maya-maya, hinatid na rin ni Jongseong sina Jaeyun at Riki sa bahay nila. Sakto namang paalis na ang ina ni Riki kaya agad na iniwan ang susi ng bahay sa kanila at sumakay sa tricycle na nag-aabang sa tapat ng bahay.
“Thank you ulit, Kuya!” Laking ngiti ni Riki bago ito kumaway sa nakatatanda habang papasok sa bahay na siya namang binalikan ni Jongseong ng isang tango bago sila maiwang dalawa ni Jaeyun sa tapat ng bahay.
Nakatingin lang si Jongseong nang mapayapa sa isa habang bakas sa itsura nito na hindi siya okay, at naiintindihan naman niya ‘yun.
“Sige na, Yunie. Pahinga ka muna.” Mahinang tapik ni Jongseong sa balikat nito. Ngumiti nang malungkot si Jaeyun sa kanya bago ito napabuntong hininga. “Sorry, Seong…” Umiling naman si Jongseong sa kanya, “Nothing to be sorry about, Yunie. It’s your feelings, you know what’s the best for yourself. And I’ll always be here, as your friend, no matter what happen.” Napayakap naman si Jaeyun sa kaibigan ng ilang saglit bago ito humiwalay sa isa’t isa.
Nang makauwi si Jongseong, inasikaso muna ni Jaeyun si Riki. “Kuya, sige na, pahinga ka muna. Kaya ko na ‘to! Big boy na ko, oh!” Biro naman ng nakababata kaya napatawa si Jaeyun. Kinurot naman nang mahina ni Jaeyun ang mga pisngi ni Riki at iniwan ang nakababata sa sala habang naglalaro ito sa computer bago ito pumasok sa kwarto niya. Pagkahiga niya sa kama, huminga siya nang malalim habang hinilamos ang mukha niya. Sa dami ng mga nangyari sa nakalipas na oras, hindi siya mapakali sa kung ano ba dapat ang maramdaman niya sa dami ng tumatakbo sa kanyang isipan.
Hindi alam ni Jaeyun kung may nagbago nga ba pagkatapos ng mga nangyari kinagabihan. Alam niya sa sarili niya na sa ngayon, wala pang nagbabago sa nararamdaman niya, pati sa kung ano man ang estado ng ‘relasyon’ nilang dalawa. Hindi pa siya handang harapin ang nararamdaman niya, at kung ano man ang damdamin ni Sunghoon para sa kanya. Pero tiyak na may magbabago lamang ito sa oras na maging handa siya. At kailangang mangyari ang pagbabago na iyon. Ang pagbabagong makakasagot sa nakakahilong ugnayan nilang dalawa.
Nang makauwi ng Maynila, nagkanya-kanya naman ang magkakaibigan. Umuwi muna si Heeseung sa bahay ng mga magulang, habang si Jungwon naman ay sumama kay Sunoo nang umuwi ito sa bahay ng pamilya nila sa Bulacan. Tanging si Sunghoon ang naiwan sa loob ng apat na sulok ng kanyang dorm.
Ayaw naman nitong umuwi sa bahay nila at gusto na lang niyang pagtuunan ng pansin ang proyektong hindi matapos-tapos. Akala niya’y makakausad siya nang makita niya si Jaeyun sa Laguna, ngunit mas gumulo pa ang isipan niya hanggang sa makauwi sila. Hindi tuloy makausad si Sunghoon sa pagtuloy ng kanyang eskultura kung iisang tao lamang ang tumatakbo sa isipan niya: tanging si Jaeyun lamang.
Napahiga na lang si Sunghoon sa kanyang kama at taimtim na nakatitig ito sa blankong kisame nang makatanggap ito ng mensaheng nagpagising sa kanyang sistema at siya ngang nakapagpabangon sa kanya. Rinig ang lakas ng kabog sa dibdib ni Sunghoon at tila ba hindi siya mapakali sa sandaling nakita niya ang pangalan ng taong nagpadala ng mensahe sa kanya.
From: Jae
Let's talk once I'm back.
