Actions

Work Header

Hopelessly Devoted To You

Summary:

An act of kindness makes Sunoo Kim unforgettable and special for Jay—so special, in fact, to the point na walang hindi gagawin si Jay upang mapalapit muli sa kanyang pinakamamahal na idol. He’ll do everything for Sunoo’s world to revolve around him. Para quits sila. At bakit hindi? Sa kanya si Sunoo at para lamang sa kanya.

Si Jay lang ang pwedeng umangkin dito in every way, in every capacity, that matters.

Notes:

HELLO ^___^ songofhelios here hshehshw im the one responsible for sunoo's pov! first of all, thank you for giving this fic a chance! won't be saying a lot here as wwisteria already covered the most important things you need to do before reading. but please please PLEASE. if you do not like what you're seeing in the tags, then don't read. and, if the future chapters may be too bothering for you, there is no pressure in finishing this story. prioritize your wellbeing! (thats how dark this is going to be...)

hi, this is wwisteria! welcome to hdty! please make sure to check the tags and read responsibly. let's also learn to separate reality from fiction; not everything written here reflects our morals and beliefs. kwento lamang po ito. that being said, it's worth mentioning that i write the jay pov and, while neither songofhelios or i intend to romanticize or glorify aspects of this fic in real life, the storytelling from jay's perspective will. i've done that on purpose to reflect the type of person jay is.

IMPORTANT: there will be NO rape on this fic, just elements of non-con/dub con.

you can find a couple of teasers here and here. from both of us, enjoy the read!

(See the end of the work for more notes.)

Chapter Text

Maayos at pulido ang routine ni Jay tuwing umaga. Walang palya ang pagkakasunod sunod ng mga kailangan niyang gawin. When he gets up from bed, ‘di tulad ng ibang mga walang kwentang taong tumititig pa sa kawalan, walang silbi sa mga unang minuto pagkagising nila, siya naman ay agad kumikilos pagkatayo niya. 

This is because it’s what he’s used to. Nakalakihan niya ito. Walang oras ang dad niya na asikasuhin siya no’ng bata pa siya, habang lumalaki, at kapag hindi siya nagmadali, kapag hindi ginawa ni Jay ang mga dapat niyang gawin para ready na siya pag oras na ng alis nila, malilintikan siya dito. Kaya naman para siyang robot as he goes about his morning routine, efficient in the way a well-oiled machine is. Alam na ng katawan niya ang gagawin at ni hindi na niya kailangang isipin. 

Banyo. Isang yosi. Magsasaing. Ligo. Initin ang kung ano mang natirang ulam niya kagabi gamit ang steamer function ng rice cooker habang nagiinin ‘yong kanin. Mag timpla ng kape. 

And then, finally, on to the best part of the beginning of his day as soon as he’s dressed. 

“Good morning.” 

Sitting down on his two-seater dining set, Jay lights a new cigarette with a smile at what, who, is across him, isang life-sized pillow na half body ng kanyang favorite celebrity that’s staring unfeelingly back: si Sunoo Kim. Tinitigan niya lang ito for a while. ‘Di mapigilang mapangiti pa lalo, his food and coffee waiting. Mamaya na ‘yan. 

Kinikilig pa siya. 

Naka-plastic pa ‘yong unan. Baka kasi madumihan. Reaching out, he straightens it where it is since it’s leaning one way too much. Before pulling his hand back though, Jay uses the knuckle of his index finger to prod at a printed cheek in the same way he would do to the real Sunoo kung mabigyan man siya ng chance sa totoong buhay. 

Lambing lang. 

“Makikita nanaman kita mamaya. Ganda mo.” 

Walang sagot. Malamang. Hindi naman ineexpect ni Jay na may sabihin pabalik sa kanya ‘yong pillow niya pero it would be nice to hear back. Hindi sa unan, tanga—from Sunoo himself ang ibig niyang sabihin. Kumusta kaya siya? Siguro busy. Hindi ito masyadong nagpopost sa social media lately and is probably immersed in his latest project according to the most recent update about him. 

Baka lunod sa taping at shooting at kung ano mang pre-recorded guestings na meron siya. Sana ok lang siya at kumakain ng tama. Ng maayos. Nakakakuha ng enough na pahinga kahit paano. 

Hay Sunoo. 

Finally getting started on his meal and coffee, Jay doesn’t bother to turn anything on. Bawal ang maingay sa bahay noon lalo na kapag kumakain. Nakasanayan na din niya tuloy ito so he keeps his phone where it is, alongside his bag, alternating between bites of food. Sipping on his coffee. Smoking. 

All the while, naka ngiti lang ang pillow version ni Sunoo sa kanya, everlasting in the way most things aren’t. From time to time, Jay smiles back. 

Kilig mornings. 

 

 

 

Mga raket ang bumubuhay kay Jay. Ang dami niya ng nasubukan. He’s picked up a ton of things for doing the most random jobs. 

Lahat ata ng klaseng sasakyan na may manibela or something similar, kaya niyang imaneho. Marunong din siyang mag bike at motor. Kaya niyang magluto ng halos kahit ano at, to be honest, ‘yong ‘di niya alam, pwede niya namang i-Youtube ‘yon. Kahit ulam pa ‘yan or pastry. 

Marunong nga din siya mag groom ng pets, eh. Ang pinaka ayaw niya mga pusa. Tangina ng mga ‘yon. Parang mga babae—ang hirap intindihin, hot and cold palagi. Buti na lang lalaki din ang gusto ni Jay. Mga pusa talaga dapat ginagawang siopao; kaya siya natanggal do’n sa isang pet groomers na pinagtrabahuhan niya eh. Halos lunurin niya ‘yong alagang Persian cat no’ng isang customer. 

Buhay pa kaya ‘yon? Sana patay na. 

‘Yong pusa, hindi ‘yong owner. 

Pero pareho naman sila ng ugali kaya siguro ayos lang din.  

Anyway, ano pa ba? Nagtrabaho din siya sa construction. Siya ‘yong pinaka malinis mag palitada sa mga kasamahan niya kaya ‘yon ang laging pinapagawa sa kanya. Gusto ni Jay ginagawa ‘yon. Kung pwede nga lang ipalitada ‘yong mukha ng mga customer dito sa kung nasaan siya ngayon kasi akala mo kung mga sino… 

“Tanga ka? ‘Di ba sabi ko ‘wag lagyan ng ketchup? Eh ano ‘to?” 

Sanay na sanay si Jay sa mga salitang tanga, bobo, at mga synonyms nito. Dahil madami din siyang experience bilang service crew, doon niya ata pinakanaririnig ito. Parang ngayon, galing dito sa hugis buteteng babae na ‘to. Ang sikip ng t-shirt na suot. Wala siya talagang mabili na size niya? 

“Sorry ma’am,” sagot niya with the most apologetic smile he has practice with. “Papalitan ko po. Pasensya na. Baka nagkapalit lang kayo no’ng isang customer. Sorry po ulit.” 

Siguro kung may pakialam lang si Jay sa ibang tao, sinampal niya na ‘tong ale na ‘to ng burger na nirereklamo niya. Isang bun sa magkabilang side ng mukha nito para siya na mismo ang maging burger patty. Karne lang din naman siya, tulad ni Jay, kapag namatay na silang pareho. Wala namang difference masyado. 

Pero hindi ‘yon tama. Kapag nahaharap si Jay sa mga moments na ganito, ‘yong kating kati siyang i-flying kick na lang ‘tong mga punyetang customer na ganito tapos mag walk out sa trabaho, iniisip niya ang idol niya. 

Si Sunoo. 

What would Sunoo do, ‘di ba? Mabait siya. Sobra. Once before, matagal na, na-experience ni Jay ‘yon first hand. Hindi ifa-flying kick ng idol niya ‘tong mga ganitong klaseng tao, sure siya. Siguro matatawa ‘to kapag sinabi niya ‘yong plano niyang gawing burger ‘yong mukha nitong babae pero… hindi niya gagawin ‘tong mga naiisip ni Jay. 

Pero buti na lang hindi naman siya si Sunoo Kim. Meron pa din siyang pwedeng mga gawin bilang siya, bilang si Jay. 

Taking the burger with ketchup back from the complaining customer, pumunta si Jay sa kitchen. Dinispose niya ito pero instead of leaving, dumiretso siya sa loob. Hindi siya do’n naka-assign ngayon dahil kahero siya pero special case ‘to. Siya mismo ang gagawa ng bagong burger ni ate. 

“Tago ka sa likod ko,” sabi agad ng isa niyang kasamahan, bantay ng mga fries, nakangisi. Hindi lang siya ang gumagawa nito. “Dinig na dinig ko si ate dito eh. Ketchup lang naman; akala mo nabahiran ng kung ano ‘yong burger niya.”

Jay doesn’t say anything. Hindi din siya pinilit ng ka-trabaho na sumagot. Sanay na sila sa kanya na tahimik lang unless may gusto talaga siyang sabihin. Stopping in front of the assigned prep station, he gets the new burger ready with care. Dapat perfect para kay ateng butete. 

Bago niya ilagay ang bagong patty, inipon ni Jay lahat ng laway sa lalamunan niya. Picks up the bottom part of the bun before turning to the side and bending over a bit para hindi ma-contaminate ‘yong prep station mismo. Isa lang naman dapat ang madumihan dito eh. 

Dinuraan niya ‘yong bun. 

“Sarap,” tawang tawang sabi ng kasamahan niya. “‘Di na natuto ‘tong mga ganitong tao; ‘wag service crew. ‘Wag ‘yong mga gumagawa ng pagkain niyo.” 

Humming to himself, Jay finishes the rest of the burger and wraps it nicely. Akala mo regalo. Kung may ribbon dito baka nilagyan niya pa. He then makes his way back out front kung saan ang manager niya muna ang nagkakahera. Smiles at the waiting customer as he offers the brand new burger. 

“Thank you for waiting. Ito na po. No ketchup.” 

Hindi man lang ito nag thank you at umalis na agad pero who cares. Parte na si Jay ni ate. Natikman na nito ang laway niya.

Pareho na silang tanga ngayon. 

 

 

 

Four hours lang ‘yong part time niya do’n sa fast food chain. Lahat ng trabaho niya pagkatapos no’n, panay raket na. By referral si Jay dahil mapagkakatiwalaan daw siya na aayusin ang trabaho, hindi iiwan na hindi tapos, at reasonable pa ang rate—kaya naman kung sino sino ang nakakahalubilo niya. Kung saan saan din siya nakakarating. 

He doesn’t mind. Kailangan niya ng pera. 

Ngayon, ang line up lang ng araw niya ay mag ayos ng piping sa isang kusina. It’s a big kitchen—mayaman ‘yong may ari. Ni hindi nga siya nilingon pagdating niya. Ang kumakausap sa kanya ‘yong head na katiwala at isang mukhang secretary ba siya? Hindi alam ni Jay pero parang the way she’s dressed, itong assistant-looking na babae na ‘to, gano’n ang dating niya. Naka eyeglasses pa nga.

‘Yong parang mga nasa porn. 

Ang kulit pa. Busy si Jay sa ilalim ng lababo tapos ang daming tinatanong. Hampasin kaya niya ng liyabe? Walang laman si ate, puro buto. Isang matinding palo lang sa may gilid ng ulo, tumba na ‘to. Kaso ang ganda nitong kusina… madudumihan pa ng kung ano mang kaunting piraso ng brain matter meron sa loob ng bungo niya. 

“Available po kayo bukas, sir? Marunong kayong gumawa ng mga bathroom heater?” 

That specific question makes Jay pause. ‘Yon. Hindi naman pala puro walang pakinabang ang pinagsasasabi nitong assistant na ‘to. 

Pushing himself away from under the sink, nahuli niyang nakatitig ito sa may bandang tiyan niya kung saan nakataas ang t-shirt niya. Ah. Now it makes sense. Lumalandi pala ito. ‘Di halata ah—walang substance ‘yong mga kaninang sinasabi. Ayaw ni Jay ng mga walang utak or sense kausap. 

And besides, ayaw niya nga ng mga babae but, if ever bibigyan man niya ng chance ang mga ito, hindi niya pipiliin ‘tong si ate na parang teka… umiksi ba ‘yong skirt niya? He looks up at her at nagtagpo ang mga mata nila. ‘Di talaga. Wala atang redeeming quality ‘to eh; ni talino hindi nabigyan. 

Kawawa naman.  

“Oo, marunong. May ipapagawa ho kayo dito?” 

“Hindi dito. May kakilala kami na gusto sanang magpagawa ASAP. Tomorrow sir, kaya niyo? Siguro mga hapon or gabi daw po dahil ‘yon lang ang available na oras nila.” 

Grabbing his towel na itinabi niya sa ibabaw ng isang monobloc, Jay takes a moment to remember kung ano bang mga raket ang meron siya bukas while wiping at his face and arms. Wala siyang pasok sa fast food chain at hapon pa ‘yong sa catering…  

“Pwede naman. Text niyo lang sa ‘kin ‘yong address ma’am at kung sinong kakausapin.”

Thankfully, pinabayaan na siya ni ate kaso kinuha naman ‘yong number niya. Sana lang hindi ‘to mangulit. Sabagay, pwede niya namang iblock. Anyway, balik trabaho. Wala siyang kikitain sa mga walang kwentang kwento nito kasi talaga namang bumalik pa… 

“Imemessage po kayo ni sir Jungwon mamayang gabi. Stand by na lang po, sir. Tuloy daw po bukas.” 

Nodding his head, Jay finishes counting the money he’s been given for today’s services. May pa-sobra at malaki laki ito. Ayos. Siguro magpa-pares siya bago umuwi. Pero bago ‘yon… 

“Sige ho, ma’am. Text niyo lang ako kapag may ipapagawa ulit kayo dito.” 

He leaves, in a good mood, more than ready to end his day but not because he wants to go home. Oo, gusto niya pa din namang makarating ng bahay, pero ang highlight talaga ng buong araw ni Jay, palagi, ay iisang bagay. 

Sasakay siya ng FX, sa harap, doon sa tabi ng driver. Magbabayad ng pang dalawang tao. Rush hour kaya minsan inaabot siya ng isa o dalawang magkaibang sasakyan kapag nauunahan siya no’ng mga nasa harap ng pila. Hindi ito ang biyahe niya pauwi. 

Pero hindi pa naman kasi niya balak umuwi. 

Ang balak ni Jay ay ma-stuck sa traffic sa may Shell-Buendia kung saan may napakalaking billboard si Sunoo. Until now, even though it’s been years, hindi pa din nagbabago ang mukha nito. Parang hindi tumatanda at, bukod sa lahat, lalo pa itong gumaganda. Parang panaginip. 

Kailan kaya ulit tayo magkikita? 

Kung ‘yong ibang pasahero ng FX ay busy matulog or tutok sa mga smartphone nila, si Jay naman ay nakasandal lang sa naka lock na pinto, nakadungaw sa bintana, nakatitig at nakangiti sa larger than life na picture ng kanyang pinakamamahal na idol. 

Sana magkita na tayo ulit.