Chapter Text
“Tangina. Duty na naman,” bulalas ni Seungcheol habang kumakain ng kwek-kwek—second meal niya pa lang ngayong araw. Isang nursing student na ang purpose na lang daw ng pagbangon niya sa umaga ay duty.
Nasa street food alley sila sa labas ng University of Medical and Health Allied Sciences, isang exclusive medical university sa Pilipinas. Iginapang nila ang pagpasok sa unibersidad na ’to dahil wala ang pera mo kung bobo ka. Buti na lang, may talino sina Seungcheol at Joshua.
Joshua chuckled, “Pero you don't have a choice but pasukan ang duty.”
“Kung hindi ko lang talaga pangarap ’tong lintek na course na ’to, hindi naman ako papasok.”
“That's exactly the point, my friend. Ginusto natin ’to,” sagot ni Joshua sabay subo ng fishball sa kaibigan.
“Nakaka-frustrate kasi. At least sa ganitong paraan na alam ko, makakatulong ako sa ibang tao,” sabi ni Seungcheol sabay kuha ng panyo para punasan ang labi ni Joshua na puro sauce ng fishball. “Hindi katulad ng mga lecheng nakaupo diyan na mas piniling kurakutin ang pera ng taumbayan kaysa ituon sa pangangailangan ng mga tao—lalong-lalo na sa healthcare.”
“Do you remember when I cried so hard sa isang shift natin sa public hospital, to the point na kinailangan pa akong ipakausap sa psychiatrist ng hospital?”
Seungcheol remembered that scenario vividly. Nakaduty sila sa Emergency Department when a 6-year-old kid was rushed due to encephalitis, at in-assist nila ni Joshua. Dahil sa hirap ng buhay, hindi nagamot nang maayos ang akala nila ay chickenpox lang.
“I can't imagine the pain that the parents of that kid felt. Tipong they wanted to do something but couldn’t due to their life’s status,” napabuntong-hininga na lang si Joshua. “I'm glad that my mom worked hard for me to give me a better life, and I won't ignore that I have that privilege—pero paano na lang yung mga taong lumalaban naman nang patas, pero hindi talaga umaayon sa kanila ang mundo? Nakakagalit.”
Tumabi naman sa kanya si Seungcheol at umakbay. “Kaya kapag nakatapos tayo, let's work hard to have a license. Kapag may enough money na tayo to enter med school, pasok agad tayo. Kapag doctors na tayo, kumayod tayo para mapatayo natin yung ospital na pangarap natin—libre at siguradong maka-cater ang pangangailangan ng mga kababayan natin. Ayos ba?” sabay kindat sa kaibigan.
Pabiro namang sinampal ni Joshua si Seungcheol, “Ayan ka na naman sa fantasy mo!”
“’Syado namang seryoso ng usapan niyo na naman. Laban na laban?”
Si Jeonghan ay naging tropa nila noong Anaphy class. Kailangan kasi nila ng isa pang member, nang makita nilang wala pang kumukuha kay Jeonghan. Simula nang groupings na ’yon, naging magkakaibigan na sila dahil magkaka-edad din sila. Iba lang ito ng block ngayong 2nd year dahil hinabol niya ang schedule na walang klase ng isang linggo dahil online, gawa ng pupunta siya ng America dahil kasal ng nanay niya.
“You know your friend,” inabutan ni Joshua ng tig-limang pisong malamig si Jeonghan. “Daming pinaglalaban sa buhay.”
“Tama naman siya e,” sagot ni Jeonghan. Inilabas niya ang hand fan niya at ibinigay sa katabi. “Hindi ko yata nakwento ’to sa inyo since hindi tayo magkaka-group sa RLE, ’di ba?”
Sina Cheol at Joshua kasi ay magkagrupo sa RLE samantalang si Jeonghan naman ay iba ng block.
“Hinihintay ko kasi si Papa after ng night shift dahil hindi nga pinapadala sa akin yung sasakyan kapag gabi since alam niyo naman.”
Nursing student din kasi ang kuya ni Jeonghan. Galing ito ng night shift dala ang sariling sasakyan at, dahil sa pagod, naidlip siya at naaksidente. Simula noong pangyayaring ’yon, hindi na siya pinapayagan mag-drive ng Papa niya kapag gabi.
“May lumapit sa akin na isang nanay. Nagka-dengue raw yung anak niya. Akala lang niya e simpleng lagnat lang—nag-self medication at tawa-tawa lang para wala na rin daw gastos. Noong sinugod nila yung anak niya, hindi agad na-assist since yun yung time na may road rage at maraming casualties.”
Ang hirap kasi lalo na kapag nasa field ka tapos malambot pa ang puso mo. Dadating talaga sa point na may mga bagay na matatrauma ka. Kahit anong gawin mo, may time talaga na panghihinaan ka rin.
Oo, malakas nga loob mo—ginusto mo e. Pero hindi rin talaga maiiwasan lalo na kapag gusto mong tumulong; wala ka lang talagang magagawa dahil oras ang kalaban.
Isa pa, dahil sa kakulangan ng nurses, lalong-lalo na sa public hospitals, hindi lahat kayang i-cater. Hindi rin naman masisisi ang nurses na pinipiling mag-ibang bansa—nandoon ang opportunities.
“Nung nabalitaan ko na kinabukasan ay namatay yung anak niya, sinubukan ko siyang hanapin,” ramdam sa boses ni Jeonghan ang lungkot—na medyo nababasag gawa ng may nagbabadyang luha.
Tuwing naaalala niya kasi ’yon, hindi niya maiwasang malungkot. Traumatic and nakakagalit at the same time—sa sistema, dahil ang unfair sa healthcare staff at sa mga pasyente. Kung maayos lang talaga ang trato sa mga nurses.
“Ilang araw kong inisip ’yon. Napagalitan pa nga ako ng CI kasi sobrang lutang ko—good thing kinausap niya ako after duty. Kahit sila rin daw, nakaka-encounter ng ganoong problem. Ang problema, wala rin silang magawa kung sistema ang kalaban.”
Sa ganitong sitwasyon, same page silang tatlo. May isang beses, nasabihan sila na bakit bothered sila sa sistema—lalo na sa public hospitals, e mayaman naman daw sila. Na ikinagalit nilang tatlo, lalong-lalo na ni Joshua.
“Aanhin naman namin ang maraming pera kung hindi kami mabuting tao? Sa ugali ka na nga lang babawi, palpak pa. Kwento mo sa papa mong engineer sa DPWH na delikado rin, dahil kasama sa listahan ng nangurap yung construction firm niyo.”
Isa yun sa pambihirang beses na narinig nilang mag-straight Tagalog at galit ang kaibigan nilang si Joshua. Ayaw na ayaw kasi nitong pinupuna ang views nila lalo na kapag dinadamay pati privilege nila.
“Nga pala, nasaan sila Sowon? Bakit hindi niyo kasabay umuwi?” tanong ni Jeonghan habang kinakain ang 3rd cup niya ng tig-beinte fishball at kikiam.
“They’re fixing their data yata for CHN—kami kasi tapos na last week pa. Wine-wait na lang namin yung deadline. Kayo ba?” sagot naman ni Joshua habang ina-apply-an ng sunscreen si Seungcheol.
“Nako po, bine-baby mo na naman ’yan. Tanda na niyan e,” tukso ni Jeonghan.
“Inggit ka lang!” sabay irap ni Joshua. “Are you using the sunscreen and sunblock that I gave you? Hindi pantay yung color ng face mo sa arms mo.”
Kada nagsho-shopping si Joshua, hindi niya kinakalimutan ang dalawang kaibigan. Kapag may skincare restock shopping siya, sure na may tig-isang sunscreen at sunblock ang dalawang kaibigan. Lalo na noong nag-start ang CHN o Community Duty nila, mas dinagdagan ni Joshua ang binigay sa kaibigan at may kasama pang arm sleeve na may UV protection.
“Jisoo? Ang init naman nito!” reklamo ni Seungcheol noong sinuotan siya ng arm sleeve ni Joshua bago mag-start ang CHN duty nila.
“What? Do you want to have skin burn? Iitim ka, sige. Sayang naman yung sunscreen at sunblock if you will expose your skin!” inis na sabi ni Joshua.
Ending, wala rin nagawa si Seungcheol.
“Nakalimutan ko e,” sagot ni Jeonghan, natatawa at napakamot na lang ng ulo.
Binatukan naman siya ni Joshua. “Aray! Ang hinhin mong tao pero ang lakas mo bumatok.”
“Ikaw kasi! Ikaw na nga lang inaalagaan.”
“Makinig ka na lang kasi, pre. Hindi ka naman mananalo e,” ani Seungcheol.
Oo, beh. Kahit ikaw, hindi rin mananalo diyan sa bestfriend mo e.
Dumiretso sina Seungcheol at Joshua sa bahay nina Seungcheol dahil 40th birthday ni Ate Nene—ang babysitter ni Seungcheol na hanggang ngayon ay nasa puder pa rin nila.
Manager ang ina sa isang insurance company at nagma-manage naman ng farm ng pamilya ang ama niya; parehong wala sila lagi sa bahay. Kaya si Ate Nene ang lagi niyang kasama. Kahit busy ang mga magulang, hindi sila nawawala kapag may mahalagang ganap sa eskwelahan ni Seungcheol.
“Happy Birthday, Ate Nene!” bati ni Joshua sabay yakap at abot ng regalo.
Naalala kasi ni Joshua na nagustuhan ng nakakatanda ang lipstick na ineregalo niya noong Pasko, kaya napag-isipan niyang bilhan ito ulit at dagdagan ng iba pang pampaganda kagaya ng mascara at foundation.
“Ikaw talagang bata ka, nag-abala ka pa,” yumakap si Ate Nene pabalik. “Salamat, anak! Pinapaganda mo talaga ako ah.”
“Of course! I know this young man is stressing you, that's why you deserve to pamper yourself,” turo ni Joshua kay Seungcheol.
“Ako na naman!” reklamo ni Seungcheol.
“Bakit, anak? Hindi ba totoo?” gatong ng ina ni Seungcheol, na ikinatawa nilang lahat.
Close na si Joshua sa mga tao sa bahay nila Seungcheol gawa ng lagi nga siyang nandito, lalo na kapag may partner tasks sila o kapag bored lang siya sa bahay. Bilang nag-iisang anak at doktor pa ang nanay, sa mga Choi ang tambayan niya kapag naiinip—at okay lang naman sa mga ito. Nire-relate rin ni Seungcheol dahil solo child din siya.
“Joshua, how's university?” tanong ng ama ni Seungcheol.
“It's okay naman, Tito. Nakakastress lang these past few days since exam is coming tapos may duty pa, but fulfilling naman.”
“Ako pa? Hindi mo tatanungin?”
“Wala, hindi na. Alam naman naming idadaldal mo rin ’yan sa amin mamaya e.”
“Ganyan! Basta nandito si Joshua, kinakalimutan na anak ako,” natatawa pang sabi ni Seungcheol, at nagtawanan silang lahat.
Hinatid na ni Seungcheol si Joshua sa kanila. Lalo na kapag duty, hatid-sundo pa rin niya si Joshua, lalo na kapag night shift. Ayaw din kasi ng nanay ni Joshua na magmaneho siya kapag may duty unless malapit lang. Kaya minsan ay pinapasundo silang dalawa sa driver o si Seungcheol ang magmamaneho.
“Wala ka nang naiwan na gamit? Yung OB bag mo?” paalala ni Seungcheol bago bumaba ang kaibigan.
“Okay na,” sinukbit ni Joshua ang bag at lumabas na. “Message me when you get home, okay? Take care!”
“Pahinga ka na. You did well today,” sagot ni Seungcheol at umalis na.
Hinintay muna ni Joshua na mawala sa paningin niya ang sasakyan ng kaibigan bago pumasok ng bahay.
Pagpasok niya, dumiretso siya sa opisina ng ina, na baka may binabasang case na naman.
That's why Joshua is working hard and not taking his mother for granted, since she's working hard just to give him a bright future. Basta may gusto siya—lalo na kapag nakakabuti sa kanya—his mother makes it possible.
“Hi, Mom! Still reading your patients’ cases?” ani Joshua at humalik sa pisngi ng ina.
“Yes, anak. Ito kasi yung procedures ko for tomorrow,” sagot ng ina at hinalikan siya pabalik.
“Nag-dinner ka na po? Let's eat! Nagpabalot si Tita Sohee ng kaunting food for you since it's Ate Nene’s birthday.”
“Sayang, birthday pala ng Ate Nene mo. Dapat sinabihan mo ako para nakabili ako ng gift for her.”
“I gave her the same lipstick that I bought for her last time since nagustuhan niya. Dinagdagan ko na rin ng iba pang make-up.”
“Tara, anak. Kainin na natin ’yan. I’ll message Nene na lang din to say thank you.”
