Post Header
Inilabas kamakailan lamang ang isang di-opisyal na app ng Android para sa Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) sa pamamagitan ng Google Play. Sa paglabas ng app na ito, muling bumalik ang usapin ukol sa nasabing app, at nais naming samantalahin ang pagkakataong ito upang ibahagi ang kasalukuyang kalagayan ukol sa pagbubuo ng opisyal na app ng AO3.
Isa sa mga karaniwang katanungan sa amin ang “Naisipan n’yo na bang gumawa ng app?” Ngunit sa paggawa ng mobile app, walang “iisang” app. Kailangang gumawa ng mga app para sa iba’t ibang mobile na plataporma — ang pinakasikat na tatlo ay Android, iOS at Windows Mobile — at para sa iba’t ibang bersyon ng bawat plataporma na kasalukuyang ginagamit pa rin.
Bago kami gumawa ng isang app na may kakayanang higit sa pagtingin lamang ng mga di-limitadong katha, kailangan naming gumawa ng pampublikong API — na tiyak na nasa aming roadmap, ngunit may iba pang mga mahahalagang papasinayaan na mauuna bago ito. Pagkatapos noon, kailangan ding gumawa ng iba’t ibang mapagtugon na interface para sa mga tagagamit ng phone at tablet. Mistulang isa lamang maliit at madaling proyekto ito, ngunit mabilis itong lumalawak hanggang sa mangailangan ito ng maraming nakatalagang boluntaryo na may iba’t ibang kasanayan. Bagama’t nabanggit namin noon na nais naming maglabas ng mobile app para sa AO3, sadyang walang mapagkukunan ng sapat na rekurso.
Mga boluntaryo ang mga tagapagkodigo na nagdedebelop ng AO3, na naglalaan ng oras hanggang sa kaya nilang ilaan upang suportahan ang pagsulong nito — ngunit limitado ang oras na iyon, at ganap na napupunta sa maayos na pagpapatakbo ng AO3. Kulang ang boluntaryo upang suportahan ang patuloy na pagsulong ng AO3 at pagbubuo ng app, kaya kailangang pumili sa pagitan ng dalawang ito.
Hindi lamang ang pangunahing pagbubuo ng app ang mangangailangan ng pagtutok ng rekurso. Kailangang panatilihin ang isang app at patuloy na baguhin upang siguraduhing gumagana ito sa mga bagong bersyon ng bawat plataporma — dagdag pa ang pagdaragdag sa app ng mga bago at pinabuting katangian ng AO3! At dahil kailangan ng app ng pangmatagalang pagpapanatili sa pamamagitan ng isang nakatalagang pangkat, hindi maaasahang mapopondohan ito sa pamamagitan ng mga donasyon.
Ngunit hindi lamang mga tagakodigo at kawani sa panunubok ang kinakailangan upang suportahan ang app. Kakailanganin rin ang suporta ng mga boluntaryo mula sa mga sumusunod na pangkat:
- Kailangang may kawaning may kasanayan at kakayanang tumulong sa mga teknikal na problemang matatagpuan sa bawat plataporma, mula sa Tulong,
- Kailangan ng Dokumentasyon para sa AO3 na lumikha ng, at patuloy na baguhin ang, mga dokumento para sa app, at
- Kailangan ng Komite ng Pagsasalin na isalin at patuloy na baguhin ang dokumentasyon para madali itong matunton ng mga tagagamit na hindi nagsasalita ng wikang Ingles.
Hindi lamang ito higit sa kasalukuyang laki ng rekurso na mayroon kami, mahahatak din nito ang mga miyembrong kasalukuyang nagtatrabaho bilang suporta sa aming roadmap.
Layunin ng aming grupo ang na mapagamit at maging abot-kamay ang AO3 sa pinakamaraming tao na makakaya. Pinakamainam na paraan upang maabot ang layunin na ito ang pagtutok sa isang mapagtugon na bersyon ng AO3 na gumagana (at mahusay na gumagana!) sa pinakamaraming aparato na maaari. Magpakailanman, nakatuon kami na siguraduhing kasama ang lahat ng aparato dito, anumang hugis o laki, at patuloy naming tututukan ang pagpapahusay sa mobile na katugunan ng site sa mga at kakayahang magamit ito ng lahat. Samakatuwid, sa kasalukuyang panahon ng pagsulong ng AO3, hindi pa kami maaaring gumawa ng standalone app.
Isang huling paalala ukol sa seguridad, kung may ibang app o website na humiling ng iyong panlagda sa AO3, maging maingat sa pagbibigay nito, at may kalakip na peligro sa seguridad ng iyong account sa pagbigay mo ng impormasyong ito. Bagaman walang mga babala ukol sa seguridad sa pangkasalukuyan, mangyaring siguraduhin na palitan ang iyong password kung sa palagay mo ay nakompromiso ang iyong account.
