Post Header

Halina sa International Fanworks Day - IFD (Pandaigdigang Araw ng mga Hangang-Katha) Pista ng mga Katugunan sa 2026! Ang Pista ng mga Katugunan ay kung kailan natin ipinagdiriwang ang mga hangang-katha na ginawa ng mga manlilikha sa Archive of Our Own - AO3 (Ating Sariling Sisidlan) o saan mang dako sa pamamagitan ng pagrerekomenda ng mga ito sa ibang tao at pag-iiwan ng mga komento para sa manlilikha.
Ang ating tema para sa IFD 2026 ay Alternate Universes (AUs), na kung saan natin ipagdiriwang ang lahat ng mga nakatutuwa at nakagagalak na mga AUs na ginawa ng mga tagahanga!
Nais mo bang makisali sa Pista ng mga Katugunan ngayong taon? Ganito sumali!
Mag-iwan ng komentong nagrerekomenda ng iyong mga paboritong hangang-katha na may AU sa ilalim ng paskil na ito. Ibahagi sa iba kung bakit mo mahal ang mga kathang ito, at bakit dapat silang siyasatin. Maaari mo ring ilagay ang link sa isang rekomendasyong ginawa mo sa ibang lugar, o magpaskil ng mga rekomendasyon sa iyong mga social media account gamit ang tag na #FeedbackFest2026. Dapat isaisip ang pagkakaiba-iba ng mga hangang-katha na iyong irinerekomenda—maaari kang magbahagi ng mga katha, podfic, fanart, zine, sisidlan, koleksyon, pahayagan, at iba pang nagbibigay tuwa sa iyo sa fandom. Maraming mga kamangha-manghang mga hangang-katha at sabik kaming malaman ang bawat isa!
Similan na ang iyong pagrerekomenda, at kita kits ulit—muli, binabati namin kayo ng maligayang #IFD2026!
Isang organisasyong di-pangkalakal ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na sumasaklaw sa ilang mga proyekto, tulad ng AO3, Fanlore, Open Doors, TWC, at Ligal na Pagtataguyod ng OTW. Pinapatakbo ang buong organisasyon ng mga boluntaryo at dumepende lamang sa mga donasyon. Maaari niyong alamin ang higit pa tungkol sa amin sa pagbisita sa website ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga boluntaryong tagasalin, na siyang nagsalin ng paskil na ito, maaaring tumungo sa pahina ng Komite ng Pagsasalin.
