Post Header

Ang Archive of Our Own – AO3 (Ating Sariling Sisidlan) ay patuloy na lumalago at nagtatagumpay. Kabilang dito, mas marami na ang mga tag sa AO3! Alam mo ba na ang bawat tag sa AO3 ay sinusuri ng isang tao at hindi ng isang algoritmo o awtomatikong proseso?
Ang mga boluntaryong nagngangalang mgaTag Wrangler ang siyang nag-uugnay at nag-uuri ng mga tag sa AO3! Matapos magdagdag ang mga tagagamit ng mga tag sa kanilang mga katha at mga palatandaan, makikita ang mga tag na ito sa backend kung saan sila susuriin ng mga Tag Wrangler at i-uugnay sa mga canonical, upang makita ang mga tag na ito sa mga salaan na auto-complete at para madugtong ang mga magkakaugnay na mga katha.
Mangyaring tingnan natin ang mga numero: mula nang itatag ang AO3 noong 2009, ang mga Tag Wrangler ay nag-wrangle ng mahigit sa 32 milyong mga tag. Pagsapit ng 2026, ang AO3 ay mayroong 2.5 milyong mga canonical na tag, at kamakailan lamang ay nalagpasan na natin ang 80,000 na canonized na mga fandom!

Ang tagumpay ng AO3 ay hindi mangyayari kung wala ang mga Tag Wrangler. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kanilang gawain, mangyari sa pahina ng kanilang komite sa website ng OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) o mangyari sa pampublikong patnubay para sa wrangling na siyang tumutulong sa mga wrangler sa kanilang pangangasiwa ng mga tag. Upang masundan ang kanilang mga kasalukuyang gawain, tingnan ang kanilang mga anunsyong balita at mga paskil sa Tumblr. Madalas silang nagbabahagi ng panibagong "No Fandom" na canonical na mga tag, mga Q&A mula sa mga wrangling na boluntaryo, at mga anunsyo tungkol sa mga pagbabago sa mga tag ng tiyak na mga fandom.
Naghanda rin kami ng mga bagong regalo para sa Kampanyang ito! Kabilang na sa aming pagtampok sa aming mga Tag Wrangler, kami ay gumawa ng bagong reusable na spiral-bound na kalendaryo ng mga tag sa AO3 na nagkakahalagang US$200, upang ikaw ay mabigyan ng inspirasyon ng bagong tag bawat araw. Kami ay naghahandog din ng isang bagong set ng mga sticker na may temang tarot card na US$45, isang "Nag-iwan ka na ng kudos dito. :)" na pin na US$80, at isang kwardernong nakabalot sa pulang tela na US$100!




Kung nais niyo ang isang regalo ngunit hindi niyo gustong magbigay ng buuang donasyon, maaari kang lumikha ng umuulit na donasyon at mag-ipon para sa regalong nais ninyo. Mangyaring piliin lamang ang regalong nais ninyo, at kapag sapat na ang "naipon" ninyo, makatatanggap kayo ng email mula sa Pagpapaunlad at Kaaniban upang tiyaking tama ang iyong address para sa pagpapadala ng regalo. Kailangang sagutin ang email na ito para mapadala ang regalo sa iyo. Para sa inyong nasa U.S., maaari niyong doblehin ang iyong abuloy sa pamamagitan ng employer matching: mangyaring makipag-ugnayan sa inyong HR na departamento upang malaman kung maaari ninyo itong gawin. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga abuloy, sumangguni na FAQ ukol sa mga Donasyon at Pagkamiyembro.
Ang donasyong US$10 o higit pa ay magpapahintulot na ikaw ay maging kaanib ng OTW. Ang mga kaanib ng OTW ay may karapatang bumoto para sa Lupon ng mga Tagapangasiwa—ang namumunong lupon ng OTW. Mayroon kayong hanggang Hunyo 30, 2027 upang maging kaanib kung nais ninyong bumoto sa halalan sa susunod na taon, na magaganap sa Agosto. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga halalan ng OTW, sumangguni sa aming website para sa mga halalan.
Habang umaasa kaming marami sa inyo ay sasamantala sa pagkakataong ito para makapagbigay ng donasyon at maging kaanib sa OTW, nagpapasalamat kami sa pagtataguyod at suporta ng lahat ng kasapi ng komunidad na ito, sa anumang paraan ito ipinagkaloob! Kung kayo ay lumilikha, nagbabahagi, nagko-komento, o nagiiwan ng pugay sa mga hangang-katha sa AO3; pumapatnugot sa Fanlore; nagbabasa ng Transformative Works and Cultures – TWC (Nagbabagong Katha at Kultura); o namamahagi ng impormasyon mula sa Legal Advocacy (Ligal na Pagtataguyod), kayo ay tumutulong sa pagbuo ng OTW at ng mga proyekto nito araw-araw. Taos-puso kaming nagpapasalamat sa inyong oras, enerhiya, at pakikiisa!
Isang organisasyong di-pangkalakal ang OTW (Organisasyon para sa Nagbabagong Katha) na sumasaklaw sa ilang mga proyekto, tulad ng AO3, Fanlore, Open Doors, TWC, at Ligal na Pagtataguyod ng OTW. Pinapatakbo ang buong organisasyon ng mga boluntaryo at dumepende lamang sa mga donasyon. Maaari niyong alamin ang higit pa tungkol sa amin sa pagbisita sa website ng OTW. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga boluntaryong tagasalin, na siyang nagsalin ng paskil na ito, maaaring tumungo sa pahina ng Komite ng Pagsasalin.
