Actions

Work Header

but you came along (and you changed everything)

Summary:

paano nga ba nalaman ni Sunghoon na si Sunoo na ang the one niya?

Notes:

haloe deez ez me giving writing a shot again (after a very long while) + brainrot from months ago + my choc-o zesto obsession :p + late ambag for my bebi sunoo's day! not sponsored btw! typo and grammatical errors ahead wag niyo sana ijudge buong pagkatao q chos hen joy!!!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Weird. 'Yan ang unang salitang lumabas sa unique na bibig ni Sunoo after he heard Sunghoon's weird hobby. They are having a tiny chit chat for their oplan: getting to know each other stage habang tinitipid ang mga lakad nila papunta sa may dulo ng shooting place nila. They are shooting their Charybdis concept and they planned to take some pictures of each other na ipopost din nila sa kanilang twitter kalaunan. Subtle moves and baby steps daw muna ayon kay Boss Sunghoon. It's scorching hot outside their tent kaya minabuti nilang sa may damuhan at punong malilom na lang magtake ng pictures.

 

"So kahit hapong-hapo ka na from all the practice and stuff or kahit cinacramps na 'yung legs mo, unconsciously ka talagang nagigising at exactly 2 am para lang bumaba sabay pumunta sa fridge at kumuha ng choc-o zesto?" Sunoo asked while playfully and intentionally hitting his shoulder against the older.

 

"Hindi naman saktong alasdos lagi minsan may butal pero oo, nagstart 'yun nung inubusan ako ni Yeji ng stocks nun sa fridge. Mahigpit ko siyang pinaalalahanan na 'wag ubusin 'yun kasi peyborit ko 'yun, e. Natrauma ata ako or something tas ayun every 2 am kahit bagsak na bagsak na ako from training sa ice skating babangon talaga ako para lang magdala nun sa kwarto ko," Sunghoon pouted and they eventually laughed in unison.

 

"Kaya pala tumaas ang bill natin sa dorm. Ikaw ang panay sindi ng ilaw sa living room tuwing madaling araw." Natawa pa sila lalo sa thought na bukod sa unlimited stocks ng steak sa fridge e hindi rin mawawala ang ilang kahon ng choc-o zesto na halos ioccupy na ang buong space ng fridge sa dorm nila.

 

Natawa pa uli nang mahina si Sunghoon nang maalala niya ang sagot niya kay Mama Park nang minsang tanungin siya nito kung sa paanong paraan niya raw ba malalaman kung sino ang the one niya sa future. Tandang tanda niya pa ang isinagot niya noon.

 

 

"Kapag binibigyan niya ako ng choc-o zesto tuwing alasdos ng umaga, Ma. sure ako, siya na ang the one ko."





 

Sunghoon and Sunoo are in their mutual understanding phase now. Very kinder and pacute pero they believe na they should just go with the flow; slowly but surely. It all started during their recording for their Dimension: Dilemma album. As someone na Sagittarius na walang brain to mouth filter, Sunghoon deadass confessed his feelings towards Sunoo. Walang paligoy-ligoy. Diretso ang ratsada. Yep, taliwas sa akala ng faneys na torpe siya.

 

"Alam mo bro, kakaganyan mo baka maunahan pa kita umamin," Heeseung whispered habang nginangasab ang ramyeon na niluto ni Jake. Kakauwi lang ni Sunghoon galing mubank at nadatnan niya si Hee na kumakain mag-isa.

 

Sunghoon tilted his head sideways and raised his left eyebrow. "Ano?" mariin na rin niyang tinitingnan si Heeseung, kung nakakalusaw lang ang tingin e malamang sa malamang hangin na lang kausap ni Sunghoon ngayon.

 

Heeseung coughed. "Tangeks! Kay Jake ako aamin. Iyong-iyo si Ddeonu mo bro, so what's stopping you?" Hee shrugged his shoulders and continued to savour his ramyeon (with tender love and care daw kaya mas masarap, siyempre si Jake ang nagluto e). "Oh ano, kinabahan ka, 'no?"

 

Sunghoon smirked. "Bold of you to assume na hindi pa ako nakakapagconfess. Stay safe though," tumayo si Sunghoon at mayabang na tinaas-taas ang kaliwa niyang kilay saka lumabas ng dining room na umiindak-indak pa. Heeseung was left there shocked — and too stunned to speak.




After that confession incident, pinag-usapan din agad ni Sunghoon at Sunoo ang well, current state nila; kung ano na ba talaga ang real deal between them. At dahil hambog ang mga Sagittarius, inexpect na ni Sunghoon na reciprocated ang feelings niya.

 

"Well, alam kong hindi ka naman dense pero I still wanna say it to you loud and proud. I do like you too, Hyung. But...."

 

But what?

 

"I want to take things slow.... if you know what I mean," Sunoo shyly whispered.




Contrary to popular belief na hindi nag-eexcel ang mga Sagittarius when it comes to communicating their feelings, Sunghoon is doing a great job and he begs to differ. Napagkasunduan ng dalawa na magsettle muna sa mutual understanding phase nila dahil bukod sa jam-packed schedule nila as a Global Rising Stars, ay mga bagong sabak pa lamang din sila sa industriya — which basically means na they have a lot of duties and responsibilities. Malayo pa ang laban. Mahaba pa ang giyera. Both of them also want to protect their space; angst intolerant daw kasi sila. The fact pa lang na nakatala na sa universe na total disaster kapag nagsama ang Cancer at Sagittarius e sapat na sigurong dahilan 'yun para iwasan ang us against the world type of beat plot. Sunghoon also shared his sentiments about their interactions when the camera is rolling.

 

"Hmm, maybe try to stop yourself from being touchy and clingy from time to time, Hyung. May cute aggresion ka pa naman," Sunoo suggested.

 

Sunghoon snorted. "Yabang naman ni boss, cute ka ba?" Sunoo glared at him and scrunched his nose. Halos magdikit at mawala na rin ang gap ng dalawa niyang kilay sa noo. He does this whenever he feels annoyed. Kyot. Suyo time.

 

"Siyempre hindi kasi hindi ka lang cute! Sobrang cute mo grr pakiss nga ako!" At nabalot na ng malalakas na halakhak ang buong living room na solong solo nila. Gigil na gigil nanaman si Sunghoon kaya nauwi sa nanunubig na mata, namumulang pisngi at ilong (kakakurot ni Sunghoon), at lukot lukot na damit si Sunoo.




Gaya ng napagkasunduan, hindi clingy at touchy si Sunghoon on cam. Okay naman na siguro 'yung pasimpleng magnet moves na pang-console niya lang sa sarili niya kasi sumasama talaga loob niya every time na nawawalan sila ng physical contact ni Sunoo.

 

Though engenes (mostly sunsun shippers) noticed how much they even got closer compared before the company released their Charybdis concept film. Hanggang sa sunod-sunod na promo at comeback stage nila maski sa mga vlives nila wherein napansin na ng mga faneys ang pasimpleng pagyukom ng kamao ni Sunghoon every time na magkakaroon sila ng physical contact ni Sunoo.

 

Hmm, inch resting reaction.

 

Well we can't blame Sunghoon naman, sobrang squishy ni Sunoo, para siyang walking milky marshmallow. Sinong hindi manggigigil? Tell him, who wouldn't?

 



Contrary to popular belief (part 2) na Cancers aren't fond of physical touch, ibahin niyo si Sunoo. Itabi niyo, hindi siya 'to.

 

Well he really isn't fond of physical touch. If you'll ask him, it's his least favorite among the 5 love languages. Pero ewan niya pagdating kay Sunghoon, natatanga siya. Emz. Ewan basta bigla nalang siyang nagising isang araw na gustong gusto niya 'yung pinapat-pat siya sa head ni Sunghoon, hinahaplos 'yung buhok niya, pinaglalaruan at pinipisil pisil ang very soft and delicate hands niya, nilalamog ang tiyan niya, and too many to mention. Basta many more to the point na naumay na ata ang iba nilang members. Exhibit one (1): Nareveal ni President Jake sa isang segment ng show na pinaguestan nila ang impormasyon na 'but you always caress sunoo like this though'.

 

Boom exposed. Hindi nga pala nila naorient 'yung lima.

 



Enhypen being Enhypen, gen-z group na lurker sa blue bird app. Siyempre isa na si Sunghoon don. Nag-install lang talaga siya para magsave ng pictures ni Sunoo, pictures nilang dalawa, magbookmark ng mga video edits ng sunnies every 19th of the month with mareng blondie as bgm, at magtweet ng sunsun layag every damn time. HIndi rin siya nakaligtas sa “hibang” accusations. Natawag na rin siyang hibang once kasi nga "one sided" at "hindi naman daw reciprocated" ang feelings niya after niya pumatol sa non sunnie account. Sunghoon knows that he completely knows better than anyone when it comes to his relationship with Sunoo but sometimes, sometimes, he just can't stop himself from overthinking everything. Lalo pa't may justification pang nilapag 'yung account na nagsabi kay Sunghoon na hibang siya as to why their ship is one-sided.

 

On the brighter side, sa pagiging patola niya ay tumibay lalo ang foundation ng sunnievillie. In bossing we trust, AMEN!

 

Sunghoon knew he should trust his baby but he just couldn't help it.

 



Hindi niya siguro talaga ako love.

 



That's where they stand now, talking about what's bugging Sunghoon. Nakaupo sila sa sofa nila habang nakasandal ang ulo ni Sunghoon sa kanang balikat ni Sunoo habang pinaglalaruan ang mga daliri sa kaliwang kamay nito. Sunoo’s caressing the former’s head while listening to his rant. 

 

Bahagyang tumingala si Sunghoon kay Sunoo upang tingnan ang reaksyon nito. "E bakit ka nakangiti 'di ka ba nalulungkot na pinagdududahan nila tayo 'di ka ba nalulungkot na malungkot ako tingnan mo oh sad na nga 'yung tao," Sunoo can't help but to laugh. As in tawa talaga, he even threw his head backwards, masakit na rin ang tiyan niya kakatawa.

 

"Hay, Hyung. I'm just happy. I'm very happy. I don't mind those comments at all. They don't know a thing, they don't know about us at all. Sure, they might know how whipped you are to me. Pero alam mo kung saan ako natutuwa? Sa'yo. Ang cute mo kasi!" Sunghoon pouted even more.

 

"But Hyung, kidding aside. I'm glad kasi you communicated your feelings and thoughts. I'm happy na we're discussing it. Natutuwa rin ako kasi you didn't even hesitate to tell me what's bugging you, I mean yeah bare minimum but coming from you? An introvert and a Sagittarius as well? Suntok sa buwan 'yun, baby."

 

Sunghoon was taken aback. 

 

Putcha ano raw? Baby? Tinawag akong baby ng baby ko?

 

 

"Why do introverts and Sagittariuses like me constantly face such misery? Suyuin mo ko, Kim Sunoo! I feel my heart crack!"

 

Sunoo giggled. "Ok lang 'yan, like naman kita".

 

Sunghoon snorted and pouted even more. Bahagya rin siyang humiwalay sa balikat ng nakababata para magkaroon ng kaunting gap sa gitna nila ni Sunoo upang pagmasdan ito. ".... like lang?" 

 

"Like and Love. Ok now?" At dahil nanaig ang pagiging pabebe ni Sunghoon, bumuntong hininga pa ito. "Napipilitan ka lang ata, sige okay lang sino ba naman ako para i-like and i-love de ok lang talaga," akma pa itong tatayo pero mabilis pa sa alaskwatrong nahila ni Sunoo ang laylayan ng damit ng nakatatanda. Bumagsak na muli si Sunghoon sa tabi ni Sunoo pero this time, napaka kaunti nalang ng gap nila sa isa't-isa. If you call it gap lmao.

 

 

Teka lang Lord, ang lapit!

 

 

"Nooooo! Okay fine, how do I make it up to you?" Sunoo cupped Sunghoon's face and made him face him. Marahan niya ring hinahaplos-haplos ang pisngi nito gamit ang dalawa niyang hinlalaki.

 

Saglit na napatigil si Sunghoon sa pag-iinarte sesh niya at pinagmasdan ang hazel brown eyes ng kaniyang baby. "Tawagin mo uli ako nung tinawag mo sa akin!"

 

"Alin? baby?"

 

Shet. Lord, hindi ho ako ang pinakamatibay niyong bading!

 

"Ha ano? Hindi ko narinig? Choppy?" Ipinikit ni Sunghoon ang kaliwa niyang mata at bahagyang inilapit ang kaliwa niyang tenga kay Sunoo.

 



 

"Baby? Baby ko po? Baby Sunghoon ko po? Ambaby ko po na 'yan?"

 

 

 

 

 

That was Sunghoon’s last straw. Hindi na niya napigilan ang sarili na sugurin ang tiyan ng nakababata para sundut-sundutin ito at lamugin. Isa rin 'yan sa mga hobby niya (proof: en-o'clock ep. 27 behind the scene & ep. 32 behind the scene) and again their living room was filled with giggles, laughs, and shrieks. Kung ganito ba naman siya lalambingin at susuyuin ni Sunoo sa tuwing magtatampo siya, he’d gladly make patol sa mga non sunnie accounts na makakadaupang-palad niya para araw-araw siyang sumpungin ng toyo. Itabi niyo, ako na ‘to!  






Later that night, Sunghoon woke up. Siyempre para kumuha uli ng choc-o zesto niya downstairs. He was about to get his phone from his night stand table na nasa bandang ulunan niya when he felt something cold and wet. Kinapa-kapa niya pa ulit ito at saka kinuha kasabay ang cellphone niya.

 

Huh? Ba't may choc-o zesto rito?

 

He checked his phone and it flashed his lockscreen, ang mukha ni Sunoo na nakangiti at ang malaking nakalagay na "2:09 am".

 

Bumangon siya at nakitang bahagyang pumapasok ang ilaw mula sa labas ng kwarto nila dahil nakaawang ang pinto nito. Sinilip niya ang kabilang kama at saka niya lang narealize na walang tao sa top bunk nito. Saan naman nagpunta ang bebe ko?

 

Nagising ang diwa niya nang maramdaman niyang may papalapit na sa pinto ng kwarto nila. Agad na humiga si Sunghoon at nagkunwaring tulog. Narinig niyang sumara na ang pinto nila, didilat na sana siya nang may naramdaman siyang presensya sa may tabi niya.

 

"Sleep tight, Sunghoon hyung. I hope you enjoy your choco drink, saka nalang 'yung 3 words kapag gising ka na," Sunoo carefully whispered. He then felt a hand brushing through his hair and felt warm lips on his forehead. Forehead kiss. His Sunoo gave him a forehead kiss.

 

Nang maramdaman niyang wala nang presensya sa tabi niya ay dahan-dahan niyang minulat ang kanang mata niya. Nakita niyang nakahiga na si sunoo sa kama nito habang nakatalikod ito sakaniya. Agad siyang bumangon at tinusok ang ilalim ng choc-o zesto niya habang hinihingal. Sobrang lakas ng kabog ng puso niya. Hindi siya healthy. Parang may sampung kabayong naghahabulan at the moment sa puso niya.

 

 

Shet bading nga ata talaga ako.

 

 

Pagkatapos ng kaniyang mini existential crisis, napangiti siya. Kung may nakakakita man sakaniya ngayon, we believe magsesecond the motion kayo sa account na tumawag sakaniya ng hibang sa sunnie account niya. Nang makalma ang binata ay muli na siyang humiga at pinagmasdan ang likod ng nakababata. Ganito pala maging ka-MU ni Sunoo. Crush na crush ako. 

 



Boom kilegs. May matutulog nanaman na may ngiti sa labi.

 





After that night, lagi nang nagigising si Sunghoon na may nakahandang choc-o zesto sa may ulunan niya with free forehead kisses. Sabaok. Days, weeks, and even months have passed up to their next new mini album to be released on July 4, consistent na siyang dinadalhan ni Sunoo ng paborito niyang inumin. One time nga minabuti niyang hindi na muna matulog upang panuorin kung paano siya dinadalhan ni Sunoo ng choc-o zesto. Nalaman niya na may mga times na naga-alarm ito, pero madalas ay gising ito hanggang bago pumatak ang alasdos sa orasan. Pasimple pa nitong sinasampal-sampal ang sariling pisngi para lang hindi tuluyang lamunin ng antok.

 

"Goodnight, Sunghoon hyung. Enjoy your drink," antok na antok na bigkas ng nakababata saka niya marahang pinatakan ng halik ang sintido nito pati na rin ang tungki ng ilong ng nakatatanda.

 

 

Nang makasigurado si Sunghoon na nakabalik na ang nakababata sa kama nito ay agad siyang nagtipa ng mensahe mula sa kaniyang cellphone.




 

to: Mama

 

Ma, nahanap ko na po ang the one ko.

Notes:

hala tinapos mo? sank yew >< pakiss nga aq chos!!!!