Fandoms
Recent works
-
Tags
Summary
Maagang nalaman ni Maria Clara na hindi magpinsan sila Klay at Crisostomo. Sa proseso ng pag-aamo at upang manumbalik ang tiwala ni Clarita ay hindi naiwasan na lumabas sa mga labi ni Fidel ang mga katagang:
"—sapagkat kami talaga ni Binibining Klay ang tunay na nag-iibigan... Hindi ba, mi amor?"
-
Tags
Summary
Ang napakalamig na simoy ng hangin ng Londres ang ngayo'y sumasampal sa balat ni Klay habang patuloy niyang pinagmamasdan ang kapaligirang natatabunan ng niyebe. Kasabay nito ang pagbabalik-tanaw ng binibini ng mga nakalipas na pangyayari kasama ang lalaking lubos pa rin niyang sinisinta.
Saang alaala pa kaya mapapadpad ang mga usok na walang humpay na lumalabas mula sa kaniyang mga labi at ang puso niyang hindi kailanman tumigil magmahal?
-
Tags
Summary
Sa isang syudad sa Europa, nakatanggap ng liham si Simoun galing sa kaniyang matalik na kaibigan.
Batid niyang maraming balita ang kaniyang amigo ngunit sa hindi inaaasahang pagkakataon ay mayroong ibang mababasa ang ginoo.
-
Tags
Summary
"Klay..." Napatigil ang dalaga sa matino nitong pagbanggit ng kaniyang pangalan at sa hindi pagsama ng binibini. Dagdag pa dito ang seryosong tingin ng ginoo.
"B-bakit?" kumabog ang dibdib ng dalaga.
"Maaari bang sabihin mo sa akin na hindi ka aalis..."

